JASON POV "Ano ba pare ha? Pwede bang hayaan mo na akong uminom? Wala kang pakialam kung ilang bote ng alak ang gusto kong ilagay sa tiyan ko at isa pa, kayang kaya kong umuwi mag isa. Wag mong sasabihin kay Dad na nandito ako ha? Mayayari ka sa akin talaga! Pinag iinita na niya tayo at ayaw ko nang dagdagan pa ang inis na nararamdaman niya!" Umupo siya sa tabi ko sa kabila ng pag tataboy ko sa kanya. Sobrang close kami nitong si Kevin at pinapanindigan talaga namin ang pagiging magkapatid namin. Ayaw ko nga sana magalit sa kanya ngunit ang kulit kulit niya kasi, batid niyang ito ang pinaka ayaw ko sa lahat. Kaaway ko na si Kenneth at ayaw ko na maging kaming dalawa ay mag aaway pa sa ganitong klase ng bar. "Bro, trust me, kakampi mo ako rito at kung may isa mang tao na labis na naka

