KYLA POV This is not funny pero sadyang ganito na yata ang pamilya ni Sir Kenneth na tumayo kaagad. "Please excuse me, I am done eating!" pagpapaalam niya pa. Umalis siya at ako naman ay sumunod sa kanya sa kwarto namin. I don't want to stay with them, yung isang minuto pa nga lang na kasama ko sila ay ang hirap hirap na, ano pa kaya kapag mas matagal pa! Wala rin naman akong pakialam sa mga sasabihin nila sa akin kapag nakatalikod kami ni Sir Kenneth. At the end of the day, sila ang naiinggit dito at hindi kami so bahala sila sa buhay nila. Pagpasok namin sa loob ay dumeretso na siya sa kanyang drawer na tila ay mayroong hinahanap. "Sumunod ka sa akin kahit na hindi ka pa tapos kumain," sambit niya pa. Lumapit ako sa kanya, "Oo dahil sa ayaw ko na manatili rito. We both know n

