KYLA POV "Pero Sir Kenneth-" "Don't recall me Sir Kenneth anymore. You should call me babe para masanay ka. Baka kapag ginawa mo yan ay mabuking pa tayo ni papa." Ang awkward nito na tatawagin ko siyang babe. Ngayon pa nga lang na magkasama kami ay mahirap na itong gawin. Paano pa kaya kapag nasa harapan na kami ng ibang mga tao lalo na ang papa niya? "Sige... babe..." Nauutal kong sagot. Sumubo siya ng pagkain habang nakangiti sa akin. Kumain na rin ako pero ilang sa mga nangyayari. Ang bigat ng mga ito sa dibdib ko. "Mamaya nga pala sa condo ko, may damit akong binili para sayo. That is what you are going to wear, magpapanggap kang three months pregnant at ikaw mismo ang magbibigay ng pregnancy test, at ultra kay papa at magsasabi na nagdadalantao ka sa akin. At ako na ang bahal

