KYLA POV "Tangik ka talaga pare! Pati ba naman ganyang mga bagay ay itatanong mo pa sa kanya. Napapaka babaw mo eh!" sambit ni Jason. "Ano ba Jason? Ayos lang yan sa kanya. Ni hindi nga siya umaangal eh. Malay mo kapag nagkaroon ka na ng karelasyon ay ganyan din ang tawagan niyo. Hayaan mo na pare, panira ka ng mood eh, sasabihin na nga nitong si Kyla tapos pipigilan po pa siya!" Sinagot ko na ang tanong ni Kevin para wala nang gulo. "Actually very common ang tawagan naming dalawa. Mahal ang tawagan namin pero hindi lang kami masyadong nagtatawagan ng ganyan. Ever since na maging kami ay ganyan na kami and ako ang nagsabi niyan. Ayaw ko ka nasi ng ibang tawagan." "Ang sweet naman! Pero wala bang naging third party sa relasyon niyo ha?" sambit pa ni Kevin. Hindi ko alam kung bakit

