KYLA POV Nandito kami ni Sir Kenneth sa loob ng kanyang kwarto nakakulong ngayon pagsapit ng dilim. Dapat ay lalabasa pa nga kami kanina sa labas ngunit dahil sa biglang bumuhos ang malakas na ulan sa kalangitan. Sayang, mukhang ang sarap din sanang tumambay sa labas ng mansyon nila lalo na kapag wala ang mga asungot sa paligid. Malamang ang mga kapatid niya ay nakakulong na rin sa kani kanilang mga kwarto. Itong si Sir Kenneth naman ay umiinom pa ng kanyang wine habang busy siya sa kanyang laptop. Nakasando siya na damit at shorts at ang bango bango niya kasi bagong ligo siya. Kahit pa nga nakatalikod siya sa akin ay alam kong siya ito. Ang lakas kasi ng awra niya. Gusto ko nga siyang yakapin ngayon pero wala naman kami. We don't have a label so in other words ay wala akong karapat

