She was sleeping soundly so he was so careful not to wake her up. Subalit ang hindi niya alam ay gising na gising na ang diwa nito. "Nagkausap na ba kayo ng maayos?" tanong ni Daphne sa kay Howell. Subalit umiiling lang ang binata, bago umupo sa tabi niya. "Hindi pa, ayaw niya pa akong kausapin," anito, at tinanaw si Gwendolyn na nakahiga sa may kama. Natampal ni Daphne ang sariling noo sa pagkasihapyo. "Kailangan kayong mag-usap. Hindi pwede mag-iwasan na lang kayo lagi. Wala kayong maayos kapag pareho kayong ayaw magbukas ng usapan!" inis na wika ni Daphne, at tinignan ang kanyang kaibigan na nagkukunwariang tulog. "I don't want to stressed her. Sapat na sa akin ang hayaan niya akong makalapit sa kanya." "Hays, ako iyong nababanas sa inyo. Anyway, parating na si Hera. Kaya ihanda

