They spend two days in Kreavan's farm and within that days she was pampered by the two musketeers. Lalo na nakumpirma ng mga ito na talagang nagdadalang tao siya. Gabi na nang bumalik sila ng manila. Kaya nagpahatid na lang si Jaxel ng pagkain sa kanyang pen house. At sinigurado nito na may sugpo na kasama sa putahe. "Hindi kaya magmukha tayong sugpo nito?" reklamo ni Kreavan nang kumakain na sila. " 'Di 'wag kang kumain ng sugpo!" pilosopong sagot ni Jaxel, at tinignan ang kaibigan. "Ipaubaya mo na kay Tess, 'yon sugpo. Baka mapano pa ang inaanak natin 'pag nakipag-agawan ka pa." "Sinong Tess?" nakakunot noong tanong ni Kreavan. Napaangat ng tingin si Gwendolyn. At pinagmasdan si Jaxel na matiyagang pinagbabalatan siya ng sugpo. "Napaka-B mo naman talaga Kreavanus! Eh, sino pa ba

