Maagang nilang sinundo ni George, sina Dylan at Olivia sa may Airport. Pinayagan din siyang mag-day off kinanukasan ng Lola ni Daphne. Kaya nakaplano na ang lahat ng kanilang pupuntahan. Lalo pa't nangako si George na ililibot sila nito sa buong Nice. Napansin niyang maraming mga turista ang nahahalina sa kagandahan ng Nice. Kaya nang tanungin niya si George kung ano sa palagay nito ang rason kung balik maraming turista ang bumibisita sa Nice ay napangiti ito bago sumagot. "It's the sun, sea and food that make Nice a perfect place to visit for few days. And Nice also has an interesting cultural heritage," sabi ni George sa kanya, at ngumiti. "Maliban doon, pwede din tayong mag-Promenade des Anglais o' maglakbay sa kahabaan ng Mediteraneo sa Nice, Pransya. Kung saan madadaanan nati

