-GWENDOLYN- Inayos ko ang aking sarili at agad pinunasan ko ang aking basang mukha. Ayokong makita nina Kreavan at Jaxel na apektado ako sa aking sitwasyon, dahil ayoko ko din mangamba sila sa akin. Mahirap man ang aking kalooban ay kailangan kong maipakita sa kanila na malakas ako at hindi natitinag ng ano mang problema. Marahan akong tumungo sa may kusina. At nadatnan kong nagkakape ang dalawa. May pagkain na din nakahain sa may mesa. "Good morning," masigla kong wika. Sabay silang napalingon sa aking gawi. "Good morning, too, Smuk," nakangiting bati sa akin ni Kreavan. "Good morning, Marikit," wika ni Jaxel, at agad na tumayo para paghugotan ako ng upoan. "Umupo ka na at kumain ng marami." Napangiti ako ng lihim at umupo. Agad na nilagyan ni Kreavan ang aking plato samantalang

