CHAPTER 71

2249 Words

Nagising si Gwendolyn na wala sa tabi ang asawa. Nang lumabas siya ng kwarto nakita niyang nilalapag nito ang kanilang pananghalian. "Halika ka umupo ka na. May sinaing na baboy na pinadala si Nay Sally. Kumain na tayo habang mainit-init pa," yaya ni Howell sa kanya. Tumango lang siya at tahimik na umupo..Saka nilagyan ang kanyang pinggan ng kanin. Hindi niya na nilagyan ng kanin ang pinggan ng asawa na lagi niyang ginagawa. Sumubo siya ng dire-diretso ng wala kaimik-imik. Masama pa rin ang loob niya. Hindi siya makapaniwala na makakalimotan ni Howell ang pangako nito sa kanya na hahayaan siya nito na magtrabaho kung nanaisin niya. Alam niyang kaya nito na pakainin siya at ibigay ang lahat ng pangangailangan niya. Subalit paano naman ang mga batang pinag-aaral niya at nakaasa sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD