Chapter 12

2123 Words
"*"Pero ayos lang ako kahit walang wheelchair."*"Nakangiting pilit na sabi ko naman. "Mas mahihirapan ka kung tatalon-talon ka pa."Tugon naman ni Terry sa sinabi ko habang nakatayo sa harapan ko at nakatalikod sa pinto. Katabi niya si Wendy na nakahawak sa doorknob habang tumatango-tango sa itinutugon ni Terry at Sachie. "Hindi na kami mapapaisip na baka nadapa ka na o ano."Dugtong naman ni Sachie sa sinabi ni Terry. Muling tumango si Wendy bilang pagsang-ayon. Huminga ako ng malalim, "*"S-sige."*"Sabi ko at ngumiti. Nakangiti namang binuksan ni Wendy ang pinto at gumilid naman si Terry. Sinimulan ng itulak ni Sachie ang wheelchair at bumungad naman sakin ang hallway. Halos may mga babaeng estudyante na akong nakikita sa kung saan saan. Maliit naman na nagbow saglit ang mga estudyanteng napapadaan sa harapan namin. Kumaway naman si Wendy, tumango naman si Terry at ngumiti naman ng matamis si Sachie bilang tugon sa mga estudyante. Nagtaka ako ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang. Sinarado ni Sachie ang pinto at nagsimula ulit na inandar ni Sachie ang wheelchair. Napapansin ko naman na kada may malalampasan kaming estudyante ay yuyuko naman sila at magbo-bow saglit. Mas lalo pang kumunot ang noo ko dahil sa mga kinikilos nila. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero pakiramdam ko ay nirerespeto nila ang mga kasama ko. Napara bang nakakataas sila rito sa loob ng Academia. Hindi ko alam kung bakit. "Aling class ka?"Tanong sakin ni Sachie na panay ngiti pa rin sa mga estudyante. Sakto namang kakahinto lang namin sa harap ng elevator. Kinuha ko ang papel na nasa bulsa ng palda ko at binuklat ito. Bumukas naman ang elevator na nasa harapan namin na ikatigil ko sa aktong pagbabasa sa papel na hawak ko. Gumalaw ang kinauupuan ko at nauna naman kami ni Sachie na pumasok sa loob bago sina Terry at Wendy. Nang makapasok na kaming apat ay sumarado naman ang pinto ng elevator at pinindot naman ni Terry ang number one. Hindi pa man nagdadalawang sigundo ay naramdaman ko ng nagsisimula ng gumalaw ang elevator na sinasakyan namin. Muling bumaling ang atensyon ko sa papel at hinanap kung aling class ako. "*"Class A?"*"Patanong na sagot ko sa tanong sakin ni Sachie. "Prof Rina's Class?"Dinig kong mahinang sabi ni Wendy na parang may naalala bigla. "Oh, Prof Rina. Naalala ko siya, yong first prof ko rito sa Academia. Yong sobrang bait na Prof."Singit ni Terry. "Parang gusto ko ng bumalik sa classroom ni Prof Rina at maging student niya ulit."Ngingiting sabi naman ni Sachie. Sa mga ngiti nilang tatlo ay halatang may good memories talaga sila sa pinag-uusapan nila ngayon na nagngangalang 'Prof Rina'. Nilagay ko sa bulsa ko ang papel kasunod naman non ang pagbukas ng pinto ng elevator ng sinasakyan namin. Pagbukas neto ay unang bumungad samin ang mga students na nagkakalat sa kung saan. May ibang nakaupo sa sofa at nakikipag-usap sa katabi neto. Habang ang iba naman ay lumalabas pasok. Lumabas kami sa loob ng elevator at pansin ko agad ang mga matang nakatingin sa deriksyon namin. May ibang saglit na nagbo-bow habang ang iba naman ay may kunot na kunot na noo at nababakas sa mukha ang pagtataka habang nakatingin sa deriksyon ko. "Sino siya?" "Newbie?" "I remember her, siya yong muntikang mapatay ni Cristoff." Napangiwi ako ng marinig ko ang pangalang 'Cristoff' sa ibang estudyanteng nadadaanan namin. Halos ang naririnig ko ay tungkol sa nangyaring pagwawala ni Cristoff at ang muntikang pagtama ng nag-aapoy niyang kamao sakin. "She's lucky, buti nalang nandon agad ang First Zyon." "Yeah, ang hot pa ni First Zyon nong pinahinto niya sa pagwawala si Cristoff." "Palagi naman." Halos ang ibang naririnig ko naman ay tungkol kay Zyon, kung paano niya pinahinto si Cristoff at kung paano raw ka-hot si Zyon kahit malamig ang kinokontrol niya. "Did something happen ba habang wala ako?"Tanong naman samin ni Wendy. Binuksan ni Terry ang glass door at sabay ulit kaming lumabas. "Oo, kahapon. Nagwala si Cristoff e."-Terry. Bumungad sakin ang napakaraming estudyante at ang mga nakapalibot na mga nagtataasang gusali. As in ang dami talagang estudyante. "Again!?"-Wendy. Ang iba ay magkakapareho ng suot suot na uniform habang ang iba naman ay nakasuot ng parehong uniform na suot suot ko ngayon. Nagtaka ako ng hindi ko man lang makita ang kaparehong uniform na suot suot ngayon nina Sachie. Nakasuot sina Sachie ng pulang pula na palda at ganon din ang pang-itaas neto. May ribbon naman na kulay gold sa may leeg nila habang nakasuot na silang tatlo ng itim na cloak. Pakiramdam ko ay ibang iba ang mga kasama ko ngayon kesa sa mga estudyanteng nandito. May nakapalibot sakanilang tatlo na hindi maipaliwanag na aura. Teka, tama bang tumira sa loob ng dorm nina Sachie—tumira sa dorm ng mga karespe-respeto? "Huwag mo na pansinin ang mga kinikilos nila, Hecia. Bale mga top student kami kaya gan'yan sila makitungo samin."Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Terry. Top student? Tumango na lamang ako bilang tugon sa sinabi ni Terry. Agad naman kaming nakalabas sa girls dorm at ngayon ay nasa kinatatayuan na kami ng park area. Mas madami pa ang students na nandito. Mapababae man o mapalalaki. May ibang nakaupo sa bench, yong iba naman ay may dala-dalang plastic bag tapos yong iba naman ay nasa harapan ng mga tindahan. "Hey, look! It's Becky!"Biglang sabi ni Wendy habang nakaturo sa isang deriksyon. Sabay kaming napatingin nina Terry at Sachie sa deriksyong tinuro ni Wendy. May nakita naman akong paninda ng mga kung ano-ano basta ang alam ko ay 'for skin' 'make ups' etc ang tinitinda neto. Pansin ko rin na madaming babaeng estudyante ang nakapalibot sa tindahan na iyon. Habang papalapit kami ng papalapit sa tindahan na yon ay unti-unti naman naming naririnig ang mga iba't ibang boses ngunit nangingibabaw ang boses ng parang baklang nagsasalita. "Oh, ano sayo ghurl? Eto? Oh, kunin mo na. Akin na pera." "Ay, bet. Sure ako mas kikinis pa skin mo d'yan dzai." "You flattering me naman, oh sige libre na'to, ayan." Kumunot ang noo ko ng makitang napasapo ng noo si Sachie habang si Terry naman ay lumalayo ng kunti. "Terry! Hecia! Sachie! Let's hinto there."Naeexcite na sabi ni Wendy at saglit na yinugyug ang balikat ni Sachie. Patalon-talon pa ng kunti si Wendy ng sabihin niya iyon. Umiling si Sachie bilang tugon, "Mala-late si Hecia kapag huminto pa tayo d'yan."Sabi ni Sachie pagkatapos niyang umiling. Nagpalabas naman ng thumbs up si Terry bilang pagsang-ayon. Habang si Wendy naman ay napasimangot at bakas sa mukha ang pag-angal. Hinawakan ni Wendy ang braso ni Sachie bago niya nirest ang ulo niya sa balikat ni Sachie, "Ihh? Please? Please? Sometimes lang naman me humihinto kina Becky e."Parang batang ani ni Wendy. Umiling ulit si Sachie, "No."-Sachie. "Sachieeeeee."-Wendy. "Gusto mo bang malate si Hecia?"-Sachie. "Ayaw."-Wendy. "E, ganon naman pala."-Sachie. "B-but."-Wendy. Bumuntong hininga si Sachie habang ako naman ay nanatiling tikom ang bibig at tahimik na pinapanuod sila. "Terry, samahan mo nga 'tong si Wendy."Baling ni Sachie kay Terry na tahimik ring pinapanuod sina Sachie. Saglit namang napatigil si Terry sa paglalakad pero agad naman kaming sinabayan. "Ano? Pero Sachie."May halong angal na sabi ni Terry at binigyan ng may kahulugang tingin si Sachie. "Terrrry!"Mahahalata ang excitement sa tono ng boses ni Wendy ng banggitin niya ang pangalan ni Terry. Napangiwi naman si Terry at umiling at tatakbo na sana ng agad na nakalapit si Wendy sa kanya at pinulupot ang kamay kay Terry. Bigla na lamang bumilis ang takbo ng kinauupuan ko at ngayon ko lang napansin na tumatakbo na pala si Sachie habang tulak tulak ang wheelchair. "Sachieeee!!"Dinig kong sigaw ni Terry. "Labyooo!"Nakangiwing tugon naman pabalik ni Sachie. Lumingon ako sa likod at nakitang papalayo nang papalayo na kami kina Terry at ng mawala na nga sila sa paningin namin ay unti-unti namang bumabagal ang takbo ng kinauupuan ko. "Ayos ka lang ba?"Tanong naman sakin ni Sachie. "Uh, ayos lang ako."Sabi ko naman pabalik. Natuon ang atensyon ko sa 'di kalayuan—tatlong malalaking gate na nakabukas ang nasa harapan namin ngayon. Ang malaking gate na kulay puti sa kaliwa ay may nakaukit na malaking '3rd'. Habang ang malaking gate na kulay itim naman sa kanan ay may nakaukit na malaking '2nd'. Huminto ang paningin ko sa gitna. Pinagigitnaan ngayon ng dalawang gate ang mahabang hallway. Sa mahabang hallway na yan ay dadalhin ka neto sa malagintong malaking gate na may nakaukit na malaking '1st'. Maliit na lamang na napaawang ang bibig ko dahil sa malalaking gusali. Lumiko kami ni Sachie at tinahak ang daan patungo sa malaking gate na kulay puti. Madami kaming mga estudyanteng nasasabayan. Halos ang uniform ng iba ay parehong-pareho sa uniform na suot suot ko. May iba namang napapatingin sa deriksyon namin at napapatingin sakin. Siguro'y nagtataka rin sila kung sino ako. Kaya naman kinuha ko muli ang papel sa bulsa ko at binuklat ito bago pinaharap sa harapan nila. Sinigurado ko talagang mababasa nila ang pangalan ko. "Anong ginagawa mo Hecia?"Nagtatakang tanong sakin ni Sachie. Pansin ko pa ang pagpipigil niya ng tawa. Kumunot ang noo ko, "Baka nagtataka rin sila kung sino ako."Simpleng sabi ko naman. "Ha? HAHAHAHHAHA!"Bigla na lamang siyang tumawa na ikakunot lalo ng noo ko. Minsan hindi ko talaga naiintindihan si Sachie, bigla bigla na lang kase siyang tatawa sa hindi malamang dahilan. Hinintay ko siyang huminto sa pagtawa at hindi pa man nag-iilang minuto ay unti-unti ng humihina ang tawa niya. "Hindi mo na kailangan pang gawin iyan."Nakangiting sabi niya sakin. Nagtaka ako ngunit binaba ko ang hawak kong papel at binalik iyon sa loob ng bulsa ko. "Hecia? HECIAAAA!" Kumunot ang noo ko ng makarinig ako ng pamilyar na boses na binabanggit ang pangalan ko. Nilibot ko ang paningin ko at nahinto naman sa taong tatahakin na sana ang pinagigitnaang hallway. Tinaas niya ang kamay niya at kinaway-kaway iyon sa deriksyon namin. Kumaway naman pabalik ang estudyanteng malapit lang samin sa pag-aakalang sila ang kinakawayan ni Raint. "Geez, badnews."Dinig kong pabulong na sabi ni Sachie at muli nanamang bumilis ang takbo ng kinauupuan ko. Napahawak ako ng mahigpit at nakangiting pilit na saglit na kumaway kay Raint na ngayon ay pinaiikotan na ng mga estudyante. Nakita kong nilabasan ni Sachie ng dela si Raint na ikataka ko at ginaya ang ginawa ni Sachie habang nakatingin sa deriksyon ni Raint. Napatawa naman si Sachie sa ginawa ko na ikatigil ko sa paggaya sa kanya at kinunutan siya. May nakakatawa ba sa ginawa namin? Napansin kong nagiging normal na ang takbo ng kinauupuan ko ng makapasok na kami sa loob ng '3rd' gate. Bumungad ang napakalawak na paligid. May waiting area, may mga bench then fountains, tapos may library pa and etc. "Matagal-tagal na rin nong nakatapak ako rito."Dinig kong sabi ni Sachie at nilanghap ang hangin habang nakangiti ng matamis. "*"Nandito rin ba ang classroom mo?"*"Tanong ko sa kanya. Nilingon naman niya ako ng may matamis na ngiti pa rin sa labi bago siya umiling. "Wala na ako rito, pero masaya rito, payapa at puno ng masasayang ala-ala."Nakangiting aniya. Napangiti nalang ako at pinanuod na rin ang mga estudyanteng may mga ngiti sa mga labi. Habang pinapanuod ko sila ay mas lalo kong gustong protektahan ang mundong ito, kahit pansamantala akong walang kapangyarihan. Kesa naman ang magkulong sa kwarto habang ang mga sinasakupan ko ay wala ng ngiti sakanilang mga labi. "Nandito na tayo sa Class A."-Sachie. Natuon naman ang atensyon ko sa napakalaking gusali sa harapan namin. May nakasulat na 'Class A' sa itaas neto. "Pasok na tayo—."Hindi na natapos ni Sachie ang kanyang sasabihin ng marinig na lamang namin ang pangalan ni Sachie sa iba't ibang deriksyon. "Omg it Fifth Sachie!!" "Fifth Sachieeee!" "Fifth Sachie Ky!" Napalibot ako ng paningin at napansing nakatingin na sa deriksyon namin ang ibang mga estudyante. Sa dami nila ay paniguradong magkakadisaster. "Lagot, mga Healing Club." Napansin ko namang parang natataranta na si Sachie ngunit trina-try niya pa ring hindi pahalatain. Hinawakan ko ang kamay ni Sachie na ikabaling niya sakin at maliit naman niya akong kinunutan ng noo. "Hecia?"Takang banggit niya sa pangalan ko. Maliit akong ngumiti, "*"Magiging maayos lang ako rito, salamat sa paghatid Sachie."*"Nakangiti kong sabi at nagpasalamat. Saglit niya akong tinitigan bago siya huminga ng malalim. Nagdadalawang isip pa siya kung aalis ba siya o sasamahan ako sa loob pero kalaunan ay nakapagdesisyon agad siya. "Kitakits?"-Sachie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD