Scarlett Pov
"He..hello po Miss Scarlett. Pa..para sayo po." Nauutal na sabi ng isang nerd na lalaki habang inaabot sa akin ang isang bouquet ng bulaklak.
"And who are you.?" Mataray kong tanong rito kaya mas lalo itong kinabahan.
"Martin Hale po Miss Scarlett." Nakangiting sagot nito sa akin. At dahil sa hindi ko type ang mga katulad nyang lalaki ay may naisip akong kalokohan.
"Thank you Martin." Matamis ang ngiting iginawad ko sa kanya habang inaabot ang bulaklak na hawak nya, dahilan para magsimula na namang mag'chismisan ang mga studyante sa paligid namin.
Masaya itong ngumiti ng makita na inabot ko ang bulaklak, pero agad din napawi ang ngiting iyon nang bigla ko itong binitawan sa lupa at dahan-dahang inapakan.
"Sa susunod huwag mo na ulit tatangkain na bigyan ako ng bulaklak o lumapit man lang sa akin. Hindi ko type ang mga katulad mong may sira sa mata." Tukoy ko sa suot nitong salamin. Alam kong narinig iyon ng ibang studyante na nandito dahil nagsimula na ang iba na magtawanan.
"Pa...pasensya na po Ms. Scarlett." Naiiyak na sabi ng nerd na ito.
Hindi ko na sya pinansin at mabilis syang tinalikuran. Ang aga-aga sira na agad ang mood ko.
"Ang mean mo naman masyado doon sa tao beshy, kailangan talagang ipahiya.?" Komento ni Sheena.
Nakalimutan kong kasama ko pala ang squad. She's Sheena Campbell, at sa aming anim sya ang pinakamabait na kabaliktaran naman ng pag'uugali ng kanyang pinsan na si Kiara. Well, that girl is a b***h at masyadong mataray at mabunganga.
"Oo nga naman frenny, hindi mo naman siguro kailangang ganunin yung tao."
And that was Giana Bardot, sya naman ang nanay ng grupo dahil ito ang laging nanenermon sa amin dahil sa mga kalokohan namin. Napapagalitan kami nito minsan lalo na kapag sobra na ang ginagawa namin. Silang dalawa ni Sheena ang mababait sa grupo. Well mabait naman ako, may sungay nga lang. And I tell you bitches, you wouldn't wanna see me mad.
"Hay naku, hayaan mo na iyang si Scarlett tutal hindi naman iyan makikinig sayo." Mataray na singit ni Kiara. And speaking of the devil, yeah that was Kiara Campbell, the other b***h. Pero mas b***h pa rin ako sakanya. Duh.!
"Magtatalo na naman kayo nyan, mabuti pa kumain muna tayo. Kanina pa ako nagugutom." Suhestyon ni Shanara.
"Yeah me too." Nakangusong sabi naman ni Lorraine.
Ang mga ito naman ang ka'partner ko sa kalokohan. They also a b***h too at katulad ko marami ding mga kalalakihan ang nahuhumaling sa mga ito.
Well lahat naman kaming magkakaibigan ay habulin ng mga lalaki but sorry to say this, pero mas lamang pa rin ako sa kanila. Ayoko na ako ang nalalamangan. Gusto ko sa akin lang ang atensyon ng lahat at ayoko ng may kahati, but my friends are only an exception though.
They called us campus princesses here in University, pero wala naman akong paki'alam sa mga tinatawag nila sa amin. I already knew that I am beautiful, mahangin ba.? Oh well that's a reality, at ayokong may mag'maganda sa harapan ko except sa mga kaibigan ko dahil sigurado akong matitikman nila ang mag'asawang sampal mula sa akin.
"Mag enroll kaya muna tayo.? Ang daming studyante oh. Baka maubusan tayo ng slot." Nag'aalalang sabi ni Sheena na ikina'ikot ng mata ko.
"Relax, will you.? Makukuha pa din natin ang mga subjects na kailangan natin ok.? Ano pa ang silbi ng malaking share ni Dad sa school na ito kung hindi ko mapapasunod ang dean dito." Mataray kong sabi kaya napa'iling na lang ang mga kaibigan ko.
Yeah, malaki ang share ng ama ko sa paaralang ito and everybody knows it. I think half of it kaya siguro parang maaamong pusa sa akin ang mga professors dito dahil halos kalahati ang share ng ama ko sa paaralang ito.
I am a dean's lister also katulad nina Sheena at Giana, obviously. At kahit na puro party lang ang alam ko katulad ng sinasabi ng karamihan ay hindi ko pa rin pinapabayaan ang mga grades ko but I'm suck in mathematics though. Matatalino rin naman ang mga kaibigan ko kaya wala silang masasabing masama sa amin.
We are popular in school hindi lang dahil sa itsura namin o dahil sa mayayaman ang pamilya namin, kundi dahil kasama kami sa grupo ng cheer dance. And I'm proudly say na ako ang captain nila.
I arched my perfect eyebrows pagpasok namin sa loob ng canteen dahil agad na nagsipag'tinginan sa amin ang mga studyanteng nandito sa loob. Yung iba ay halos lumuwa pa ang mga mata kakatingin sa aming anim, ang iba naman ay halos tumulo na ang laway.
Eww.! So gross.!
Agad kaming umupo sa table na kung saan kami lang ang pwedeng umupo dito. Inilibot ko ang aking paningin at agad kong nakita ang hinahanap ko.
"Sam.!" Tawag ko sa pangalan nya. Agad naman itong lumingon sa amin at pinapunta ko ito sa pwesto namin pero mukhang nabato na ata ito sa kanyang kinauupuan dahil hindi man lang ito kumikilos.
Tinaasan ko lang ito ng kilay kaya ngayon ay kinakabahan itong lumapit sa amin.
"Ano...ano po ang kailangan nyo Miss Scarlett.?" Nauutal na tanong nito habang inaayos ang suot nyang makapal na eyeglasses.
"Katulad ng dati mong ginagawa, o baka naman gusto mong ulitin ko pa.?" Poker face kong sabi kaya mabilis itong umiling at pumunta na sa counter.
"Kawawang lalaki." Naiiling na sabi ni Lorraine na hindi ko pinansin.
Si Sam kasi ang alila ko, isa syang nerd at parang isang pusa na nabasa ng tubig kapag kausap ako. Wala naman syang kasalanan pero trip ko lang talaga syang utus-utusan. Hindi naman ito umaangal dahil alam na nya kung ano ang mangyayari sa kanya kapag hindi nya sinunod ang mga utos ko.
"He..heto na po Miss Scarlett." Utal nitong sabi bago ilapag sa mesa namin ang mga pagkain. Alam na alam na nya talaga kung ano ang o'orderin. What a nice pet.!
"Salamat Sam." Nakangiting sabi ni Giana na ikinataas ng kilay ko.
"Sige na, umalis kana sa harapan namin baka mawalan pa ako ng ganang kumain." Mataray kong utos rito kaya nagmamadali itong umalis sa harap namin.
"Kahit kailan talaga.!" Komento ni Sheena na hindi ko na naman pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay tumayo na kami para umalis, palabas na sana kami ng canteen habang nag'uusap nang may bumangga sa aking studyante dahilan para matapon sa suot kong damit ang slurp na hawak-hawak ko.
What the heck.?! Argh.!
_______
Adriane Pov
Shit.! Ang sakit ng ulo ko. Hays, mas dumagdag pa sa jet lag ko ang desisyon ng magaling kong kapatid.
Kararating ko lang kagabi dito sa Pilipinas pero wala pa akong sapat na tulog dahil sa mga ka'grupo kong hyper kung tumawag. Mabuti pa ang mga ito nakapagpahinga na ng maayos dahil noong isang araw pa sila dumatng dito. Pati na ang kapatid ko kuno na si Miguel. Tsk.! Mas lalong sumasakit ang ulo ko kapag naaalala ko ang napag'usapan namin nina Alchris at Chelsea.
Flashback
"Ano.?!" Sigaw ko matapos sabihin ng magaling kong kapatid ang plano nya.
"Look Adriane, I know you don't like my idea pero kailangan mo itong gawin." Mahinahong sagot nito.
"No way.! Ayokong may makasama sa iisang bahay at alam kong alam mo 'yan. And seriously.? Ang bubwit na iyon ang ipapalit mo kay Amelia.? Chris naman.! Baka mamaya nyan mabulilyaso pa ang mission namin dahil sa lampang yun.!" Hindi ko napigilang 'di sumigaw.
I can't believe this.! Isang baguhan sa field ang ipapalit nya sa magaling kong teammate.? That's absurd.!
"I know, ok.? But believe me, magaling ang batang yun sa technology at kung sa close combat naman ang pag'uusapan at pag'gamit ng baril ay hindi naman papahuli ang bubwit na sinasabi mo. Alam kong kaka'graduate nya lang, pero sinisigurado ko sayong magaling sya. Sya ang top one sa kanilang batch." Paliwanag nito kaya marahas akong napatingin sakanya.
"Chris hindi na iyon training camp.! Realidad na ang haharapin nya at hindi mga patibong sa training camp na kusang nagsa'shut down kapag nasa bingit kana ng kamatayan. Goodness Chris.! Hindi ito laro sa video games na pwede mo pang takasan kapag nasa alanganing sitwasyon kana. Kapag nahuli sya ng mga kalaban sigurado akong sa ilalim ng lupa ang pupuntahan nya.!" Galit ko ng sabi.
Minsan talaga gusto kong isipin na hindi masyadong nag'iisip itong kapatid ko.
"Alam ko bunso, pero sya lang nakikita kong makaka'cope up sa galing ni Chelsea sa pag'gamit ng technology. Saka isa pa, hindi mo naman sya pababayaan diba.?" Sagot nito kaya hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.
"What the.?! At ngayon magiging babysitter pa pala ako nito.?" Damn.!
"Wala kanang magagawa doon bunso, my decision is final.! And don't worry, lubos ng ulila si Miguel kaya walang makakakilala sa kanya sa Pilipinas dahil base sa background nya ay hindi naman ito taga'roon." Paliwanag na naman nito kaya wala na akong nagawa kundi mapabuntong hininga na lang.
End of flashback
Huwag lang talaga nila akong sisisihin kapag mayroong masamang mangyari sa bubwit na iyon. Lalo lang atang sumakit ang ulo ko dahil doon. Tss.
Bahagya kong naayos ang suot kong salamin dahil sa inis. Naka nerdy look ako ngayon dahil ayokong may lumalapit sa akin, hindi naman sa pagmamayabang pero habulin ako ng mga lalaki at well, even girls.
Pagpasok ko sa loob ng University ay pansin kong nagsipag'tinginan sa akin ang ibang studyante, probably because of my nerdy look. Hindi ko na lang pinansin dahil wala naman talaga akong paki'alam sa mga taong ito.
Dumiretso na lang ako dito sa canteen nila dahil hindi ako nakapag agahan. Alam ko na naman ang direksyon papunta sa canteen dahil napag'aralan ko na ang loob ng campus kagabi. Binigyan kasi kami ng magaling kong kapatid ng blueprint ng buong paaralan kaya gamay na namin ang pasikot-sikot rito pero kailangan pa rin naming umasta na baguhan.
Nakayuko akong naglalakad habang naghihikab at hinihilot ang sintido ko nang may mabunggo akong studyante. Pansin kong natapon ang hawak nitong inumin sa kanyang damit kaya bigla akong nag'angat ng tingin. Hihingi na sana ako ng paumanhin ng may maramdaman akong mainit na bagay na dumapo sa pisngi ko.
Anak ng tokwa.! What's wrong with this girl.?
The heck.! Ang sakit ng pisngi ko. Letche!
Muntik na atang mabali ang leeg ko dahil sa lakas ng pagkakasampal nya.
"Scarlett.!" Pagtawag sakanya ng kasama nya. Hindi ko pa rin makita ang mukha nito dahil nabaling sa kabila ang tingin ko nang sinampal nya ako. Hanggang ngayon tulala pa din ako dahil pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.
Damn it.! Baka ano pa ang magawa ko sa babaeng ito.
"No.! This nerd needs to know her lesson.!" Galit nitong sigaw dahilan para mapatingin ako sa kanya. Akma na sana ako nitong sasampalin ulit nang hinila na sya palayo ng mga kasama nya habang nagwawala pa rin ito.
Tsk.! Nababaliw na ata ang babaeng yun.
Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad papasok sa canteen habang sapo-sapo pa rin ang nasaktan kong pisngi. Ramdam kong nakatingin sa akin lahat ng mata dito sa loob ng canteen and as usual, hindi ko na naman pinansin ang mga tinging ipinupukol nila.
Damn.! Ang bigat ng kamay ng babaeng yun.
_______