Nagising ako ng may parang mainit at basa na dumadampi sa aking pisnge , pagdilat ko ng aking mga mata si Dave pala nakauwe na. " Inaantok pa ako love, please mamaya na." Sabi ko sa lalaki sabay talakbong ng kumot sa aking ulo. Hindi ko mapigilan ang antok ko ngayon at gusto ko lang ay matulog ng matulog. " Hapon na sweetheart, baka ang mga baby bean ko ay nagugutom na, halika na susubuan na lang kita ng pagkain at saka ka na matulog ulet, hindi pwede na malipasan kayo ng gutom. " Nakasimangot ako na ibinaba ang kumot mula sa pagkakatalakbong at humarap sa aking asawa kahit nakapikit pa ang aking mga mata. Naramdaman ko na hinawakan ako nito sa balakang at isinandal sa headboard, napamulagat ang aking mata ng ilapat ni Dave sa bibig ko ang kanyang bibig at isalin sa bunganga ko ang

