Mayumi's POV
Kasalukuyan akong naglalakad papunta kila Renzo ngayon para magtrabaho ulit.
Araw-araw akong umaalis ng bahay para magtrabaho pero parang may kakaiba ngayon.
Assuming lang ba ako o talagang parang lahat ng taong nadadaanan ko ay nakatingin sa akin ngayon.
"Good morning, Renz."
Nakangiting bati ko kay Renzo sa pagpasok ko sa store nila.
"Yumi! Halika dito. Dali."
Nagmamadaling hinila ako ni Renzo papunta sa loob ng pantry. Medyo masikip s aloob dahil tambakan ito ng mga tinda.
"Ano yun?"
Tanong ko at itinapat niya ang cellphone niya sa mukha ko.
"Ikaw yan 'di ba?"
Halos malaglag ang panga nang makita ko yung picture namin nung lalake nakaraang araw.
"Saan to galing? Paano mo 'to nakita?"
Nakakahiya.
Si Renzo pa talaga ang nagpakita sa akin.
"Sa internet. It's all over the internet."
Internet? Paano naman napunta 'yan sa internet? At sinong kumuha ng picture na ito?
Kaya pala kanina ay pinagtitinginan ako mga tao.
Ganoon nalang ba talaga kasikat yung lalakeng yun?
"Why are you with him?"
"Nagkataon lang."
Sagot ko at nakakunot pa rin ang noo ni Renzo.
"Hindi ka ba naniniwala sa akin?"
"It's not like that. It's just very unusual to meet someone like Charles in public and for you to have a picture like this with him. You're famous now."
Charles pala yung pangalan nun.
Hindi naman maganda yung pangalan.
"I don't want to be famous. Walang maiiambag yun sa buhay ko."
"What will you do then?"
"Hindi ko rin alam."
Lumabas kami mula sa pantry at sinalubong kami ni Josh. He also works here.
"Sir Renzo, may mga media po sa labas na gustong kausapin si Mayumi."
Teka, napakabilis naman ng mga nagyayari.
"Don't entertain them. Tell them they got the wrong girl."
Renz answered.
"Sige po."
"Umuwi ka nalang kaya muna? Pupuntahan nalang kita sa inyo mamaya at wag kang lalabas ng bahay."
"Pero..."
"Huwag ka nang makulit Yumi. Kita mo naman kung gaano karaming tao ang nasa labas ngayon."
Pagturo niya sa labas. Naka-glass yung store. We can see them from the inside, but they can't see us from the outside.
"Okay."
Pagbuntong hininga ko.
"Try to sneak on the backdoor. Paniguradong walang tao doon."
"Thank you."
Pagtango ko at umalis.
Mabilis akong tumakbo pauwi ng bahya sa takot na baka mamukhaan ako ng kung sino.
Napakunoot kaagad ang noo ko nang may marinig akong ingay sa loob ng TV.
Kinakabhan ay hinawakan ko ang pinto at binuksan.
My lips parted when I saw my house. It doesn't even look like my house anymore.
Sumilip pa ako sa labas sandali para makasiguro kung tamang bahay ba ang napasok ko.
My house was almost empty before, but now there's a sofa, TV, and a new refrigerator. I opened my room, and there was already an air-conditioner installed. They even changed my curtains and bed.
Sobrang labot ng kama na para bang nakahiga ako sa ulap. Halatang mamahalin at napakabango rin.
I came back to the refrigerator at napanganga nalang ako sa daming pagkain na nasa loob.
Nanaginip ba ako?
Imposible lahat ng ito.
I was about to check the bathroom when I saw a guy coming out.
"Ikaw?"
Malakas na sigaw ko.
Si Charles.
Yung lalakeng kasama ko sa picture.
Napadampot ako bigla ng gamit na pwedeng maipambato ko sa kaniya.
"Anong ginagawa mo sa bahay ko?"
Tanong ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
Nainis ako kaya nilaputan ko siya at pinaghahampas.
"Hey stop! Pag nalaglag lang itong towel ko baka magpabinyag ka ng mata mo."
Napahinto rin ako kaagad at bago ko lang napansin na tanging twalya lang ang nakatapis sa ibabang parte ng katawan niya.
I let him dress up.
Talagang sa kwarto ko pa nga pumasok.
Mas lalo pa akong naguluhan nang lumabas na siya. How does he have his clothes inside my room?
"Why are you acting so shocked?"
Tanong niya sa akin.
"Because I am."
Why is he acting so cool?
"Hindi pa ba nasasabi sayo? Dito na ako titira. Don't worry it's temporary."
Don't worry? Seryoso ba siya?
"At sino namang pwedeng magsabi sa akin na may ibang titira sa bahay ko?"
"I don't know. You're my manager now."
"Huh?"
Bawat salitang sasabihin niya ay mas naguguluhan ako. He's not helping me at all.
"It's just for two weeks."
"Sandali nga. Pwedeng bang simulan mo sa una? Paano naman ako napasok sa ganito?"
"Don't act like you don't know. It started from that picture. Besides, it will benefit you too."
"How is that?"
Napakamewang kong tanong.
"To prevent the scandal, I need you to pretend to be my manager. We will be paying you. All of these things will also be yours once I leave."
"What if I don't agree to that?"
"I heard you're not paying enough for this property anymore. You're in debt. You need this, or else you will lose everything you have."
"Pinagbabantaan mo ba ako?"
"I'm just stating facts."
Napakagat ako sa ibabang labi ko at napaisip.
"Take it or leave it?"
Tanong niya sabay bukas ng ref at kumuha ng malamig na inumin.
Hindi pa ako nkakasagot ay isa nanamang lalake ang pumasok sa bahay. Don't tell me dito rin siya titira.
"Good day, Miss Mayumi."
The guy smiled.
"Who are you?"
"I'm Jolo. Charle's assistant."
Sagot niya at nakipagkamay sa akin.
"Nice to meet you, I guess. Can we talk outside?"
Sinama ko si Jolo palabas ng bahay. Pinaupo ko siya sa maliit na upuan na nasa munti kong garden.
I plant vegetables just in case I will not have anything to eat.
"Is this all real?"
I asked.
"Yes, Miss Mayumi. You don't have television, so I expect you wouldn't know our Charles."
Nalait pa ako. Nagtatanong lang naman.
"Charles has a lot of upcoming contracts, and this is the only way we can think of a solution."
Maybe they are not thinking enough. Of course I couldn't say it out loud. Kagaya nga nung sinabi ni Charles ay malaki ang makukuha ko sa deal na ito.
"To prevent people from thinking that both of you are dating..."
"Dating?"
"Yes, dating. We need to change that image by making you Charles's new manager. Of course, you just need to pretend. While you do that, we will make sure to cover all of your bills and expenses."
Charles's image must be so important that they are willing to spend this much just because of one scandal.
Marami pang pinaliwanag sa akin si Jolo. Isa na roon ang mga bawal at pwedeng gawin. Basta ang gagawin ko lang ay bumuntot kay Mr. Celebrity dahil bilang manager niya ay kailangan akong kasama palagi.
Hindi na rin nagtagal si Jolo at umalis na pagkatapos akong malinawan.
Pumasok na ako sa loob at kumulo agad nag dugo ko nag mapansin kong nakakalat lang sa tabi yung pinagpalitan niyang damit kanina.
"Hoy."
Pagbato ko ng damit niya sa mukha niya.
"Hey! I'm watching."
Pagrereklamo niya.
"At sinong inaasahang mong magtabi at maglaba niyan?"
"Si Jolo."
Mabilis niyang sagot.
"Lahat ba inaasa mo sa kaniya? Wala kabang mga kamay kaya kailangan mo pang iutos sa iba?"
"Ano bang pake mo?"
Pagsagot niya.
Mas lalo akong pinikon kaya kinuha ko yung remote ng TV at pinatay iyon.
"Anong problema mo?"
"Buksan mo nalang ulit kapag nalagay mo na satamang lagayan 'yang damit mo."
"Hindi ako yaya."
"May sinabi ba ako? Atsaka sariling damit mo 'yan baliw."
Sagot ko sa kaniya at pumasok sa isang kwarto.