X

656 Words
*** Kakaiba yung gising ko ngayong umaga. Ewan pero bukod kasi sa birthday ko nga ngayon eh parang ang gaan ng feeling. Dali-dali akong nag gayak para makapag simba muna bago bumili ng mga ihahanda ko. Although may stock naman pero kasi may kulang pa, so sinama ko na si tita vette, the best to sa mga ganto eh. After mag Simba eh nag deretcho kaming robinson supermarket para sa mga kakailanganin. Habang nagiikot-ikot at naniningin ng mga kailangan ay naisipan kong mag message sa kanila, nag paalala lang baka mamaya eh makalimutan nila. After namin mag grocery eh masyado ng naging busy. Kaya di ko na nabasa yung mga reply nila at kung sino-sino sila. At exactly 3:30 pm sabay sabay na dumating sila jihye, sashna, jane at zellie. Sinundan naman nila mica, marc, kevin, Dylan at iba pa naming barkada. "Halina kayo't magsikain na." Aya ni tita vette sa kanila. Nung una nagkakahiyaan pa pero maya maya lang din eh sabay-sabay din tumayo. "Akala ko ba pupunta si Paco?" Nagulat naman ako dito kay sash! " Hahaha. Excited naman to. Susunod daw". Sabi ko nalang sa kanya. Inaya ko na sya na kumain bago pa ako maubusan ng isasagot dito. Maya maya lang eh may nag si dating pa kaming mha dating kaklase kasabay pala nila si Miguel. "Happy Birthday!" Bati nya sakin at ng iba pa. Pag katapos kong magpasalamat ay nag tuloy na sila sa lamesa habang naiwan naman si Miguel. "Salamat at nakapunta ka, akala ko di ka na makakapunta kasi sabi mo nasa Marikina kapa." Naka labi kong sabi sa kanya. "Hahahaha! Eto naman! Syempre uuwi ako." Tatawa-tawa nyang sabi habang ginugulo ang buhok ko. Napa simangot nalang ako at the same time natuwa sabay aya ko sa kanya na kumain na. Napuno na kwentuhan at tawanan yung bahay. Nang napansin nilang nag sisilim na ay unti unti na silang nag paalam. Ang naiwan nalang eh sila Miguel, Marc, Sash, Jihye, Jane at Zellie. Naunang naming sinakay ng trike si jane at zellie strick kasi parents nila. Sumunod si jihye. Si Marc at Sash naman eh sabay sa kotseng dala ni Marc. Honestly Marc is one of my ex pero ok naman na kami because of sash. Bff sila ni Marc and dahil nga din sa kanya kaya kami naging ok. Sa makatuwid kami lang ni Miguel yung naiwan dito sa Kanto. Dito nya na kasi nasabi sa parents nya na sunduin sya. Maya-maya pa ay may humintong black audi sa harap namin. Sabay baba ng bintana. " Ma, Pa si Aika nga pala." Pakilala saakin ni Miguel Sa sobrang kaba eh hindi na ako naka lapit para makapag mano man lang. Isang matamis na ngiti at isang "hello po, Goodeve po." Nalang ang nasabi ko. " Ahhh ikaw pala si Aika? Ikaw yung kinukwento saamin nitong si Miggy, Happy Birthday Iha." Nakangiting sabi saakin ng Mama nya. Binati din ako ni papa nya. "Ah eh salamat po." Magalang kong sagot sa kanila Mag tatanong pa sana ako kay Miguel tungkol sa sinabi ni Mama nya nang bigla nya akong unahang mag salita. "Ahm aika mauna na kami, kailangan pang bumalik ni Papa sa Hospital eh." Agap na sabi nya saakin Napatango nalang ako oo nga pala. Doctor nga pala kasi si papa nya. Nagpaalan nalang din ako sa parents nya. Habang pabalik ako sa bahay. Ako sa bahay di ko maiwasang mapangiti at isipin yung mga nangyari ngayong araw na to. Napaka laking palaisipan din sakin yung sinabi ng mama ni Miguel. Masisiraan ata ako ng ulo kakaisip. Habang tumatagal din eh lalo akong nahuhulog. Nahuhulog sa taong walang kasiguraduhan. Napakahirap. Nandito nanaman ako sa hold back na to. Hanggang kailan ko kakayanin? Wala man lang akong mapag sabihan hindi rin ako makapag open sa mga kaibigan ko. Hindi naman kasi ako pala open sa kanila ng ganitong problema. At oo talagang problema nga ito. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD