Nangangatog ang mga daliri ko sa galit. Sa lahat-lahat ng maaari kong marinig, iyon ang hindi ko maaaring matanggap. Matagal na kaming tapos. Matagal ko nang tinanggap. Matagal ko nang binaon sa limot lahat ng kung ano man ang pinagsamahan namin, lalong lalo na `yong mga panahong masaya pa kami bago pa maganap ang trahedya.
He was not the best boyfriend. Gaya ng ilan kong nasasaksihan sa campus, kagaya lang din siya ng mga immature na mahilig magselos, magalit sa mababaw na dahilan, at mamilit na para bang sa kaniya lang dapat umikot ang mundo ko. Kaya nga hindi naging mahirap ang paglimot ko. Hindi naging mahirap dahil dumagdag pa ro’n ang dahilang siya ang muntik nang nagdala sa’kin sa kamatayan.
Pero sa kabila no’n, hindi ko maitatanggi kung gaano rin siya kabuti bilang tao, kung gaano siya kasipag bilang isang estudyante noong mga panahong magka-schoolmate pa kami sa high school. Ngayon kasi, base sa mga nabalitaan ko, mukhang huminto na siya sa pag-aaral. Siguro para mas masuportahan ang pamilya niya sa pangingisda. Iyon kasi ang trabaho niya.
Saka lang naputol ang titigan namin sa isa’t isa nang marinig mula sa likod ang malakas na tawag ni Alania. Malapit na raw mag-alas nuwebe kaya kailangan na naming umalis. Wala naman akong choice kundi magpa-alalay kay Kario. Halos pikit-mata akong humawak sa kamay niya makababa lang ako ng bangka nang maayos.
Nakahinga ako nang maluwag nang mapabitaw ako sa kaniya. Tahimik kong pinatuyo ang mga paa ko saka lumapit sa kaibigan kong may sinesenyas kay Kario.
“Isa hanggang dalawang oras? Hindi ako sure, Kar. Makakapaghintay ka ba?”
Huli na nang matanto kong sumunod pala siya sa amin. Pumuwesto ako sa gilid ni Alania ngunit nanatiling nakatalikod sa kaniya. Hindi ko alam. Pakiramdam ko, lalo lang lalala ang galit ko kahit makita ko lang ang mukha niya.
“Kahit umabot pa ng apat na oras, dito lang ako,” aniya sa malalim na boses. Ang mature na nga talaga ng pisikal niya pero kung sa ugali magbabase, wala. Higit ko pa siyang kinainisan kaysa noon.
“Oh, okay. Pero sure namang hindi kami magtatagal nang gano’n,” ani Alania. Pasilip-silip pa ako sa kaniya habang nagkukunwaring abala sa pag-aalis ng mga dumikit na buhangin sa aking hita at braso.
“Siguraduhin mong kayong dalawa ang babalik. Walang magpapaiwan.”
Dinig ko ang pait sa pagkakasabi niya no’n na para bang may pinaparinggan. Now I know, kung hindi pa pala talaga kami hiwalay para sa kaniya, ibig sabihin ay may nararamdaman pa rin siya sa’kin? Kung may nararamdaman pa siya, paniguradong nagseselos siya mula sa mga narinig sa amin ni Al.
Umirap ako. Hindi ko maaasiwang manatili sa relasyong nais pa niyang protektahan. Dahil sa ayaw man niya’t sa gusto, tapos na ako sa kaniya.
Alania and I continued walking away from the shore. Hindi na ako tumalikod pa o kahit sumulyap kay Kario lalo’t alam ko namang nakatingin siya sa likod ko. He’s too unbelievable for saying that we didn’t break up. Sa loob ng dalawang taon? Sigurado siya?
“Ano bang pinag-usapan niyo bago ka niya tulungang pababain ng bangka?” Al asked as she held her pouch tightly. Kinontrol ko naman ang mga daliri ko dahil hanggang ngayon, umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang mga nalaman.
“H-hindi mo kami n-narinig?”
Umiling siya. “Malayo-layo kaya ang puwesto ko sa inyo. Nag-away ba kayo?”
Tikom ang bibig ko sa tanong na `yon. Should I lie? What would I tell? Oo, alam niyang ex ko si Kario. Batid niya rin kung ano ang dahilan ng paghihiwalay namin. Pero paano ko ma-j-justisfy `to kung para sa lalaking `yon ay may relasyon pa pala kami? Paano kung iyon din ang maging dahilan kung bakit hindi na kami matutuloy sa Rancho Trivino?
No matter what the consequences will be, I still need to be honest. She’s my friend. My only friend. Malalaman niya pa rin ito kahit na anong effort pa ang gawin ko para lang maitago.
“Nagtalo kami,” pag-amin ko sa patuloy naming mga hakbang. Hindi ko alam kung saan na patungo ang usapang ito para bahala na.
“Bakit?”
“Pinagpipilitan niyang hindi pa raw kami hiwalay gayong sa pagkakaalam ko, dalawang taon na kaming wala.”
Alania stopped right under the shadow of the coconut tree. Napahinto rin ako upang manatili sa kaniya ang atensyon ko.
Her eyes widened. “S-seryoso?”
I nodded, biting my lower lip. “Seryoso.”
Tumalikod siya para yata tingnan si Kario. Saglit naman akong yumuko upang i-sink-in sa akin lahat ng mga sinabi ko.
“Akala ko ba—”
“Akala ko rin, Al. Akala ko wala na kami.” My voice cracked, unsure of the future that’s waiting for us. Hindi naman ako naiiyak. Nadadala lang ng gulat dahil kung kailan na ako magkakaroon ng pagkakataon upang makausap si Trio, saka ko pa ito malalaman.
She sighed. “So… paano na. I-settle niyo kaya muna `to?”
“Al, h-huwag na, mauubos lang ang oras. Malapit na mag-alas nuwebe kaya baka hindi na tayo papasukin.”
Tumanggi siya. “No. Masyadong unfair `yon kay Kario. Kung halos dalawang taon pala kayo walang contact sa isa’t isa, maybe this is the right time declare your closure. Hindi kita papayagang kumilala ng ibang lalaki kung… kung nakatali ka pa pala.”
In that very moment, natanto ko ang sinabi niya. Hinayaan kong mamayani ang ingay na nagmumula sa lagaslas ng mga naghahampasang alon at sa hagibis ng nagtatakbuhang hangin. Sa `di kalayuan ay may mga turistang nag-s-sun bathing. May mga naliligo rin sa kulay asul na tubig at karamihan doo’y mga matatandang tila nasa 50s na ang edad.
Muling tumama sa paningin ko si Kario na ngayo’y nakatalikod mula rito. Nakasandal na siya sa bangkang nai-ahon mag-isa mula sa parte ng dagat kung saan kami bumaba. Pansin kong diretso lang ang paninitig niya sa malayong katawan ng anyong-tubig, animo’y malalim ang iniisip. Siguro ay ako.
“Mahal ka pa niya pero `di mo na siya mahal,” dagdag ni Al sa aking gilid. Sa isang igalp, para akong pinagsakluban para kay Kario. In those two years, I expected nothing. I knew nothing while he’s faraway, waiting.
Nanlambot ako.
“Kung kakausapin ko ba siya, papapasukin pa rin ba tayo sa Trivino?”
She craned her neck. Para bang hindi pa siya sure pero ramdam ko ang determinasyon niya para lang matapos na ito.
“Pakikiusapan ko si Tatay kaya baka pagbigyan naman tayo. Sa ngayon, i-settle muna natin `to para wala tayong sabit, okay?”
Eventually, I nodded. Humugot muna ako nang malalim saka nagsimula sa paglalakad patungo sa direksyong nilayuan.
Habang tinatahak ang daan, naroon ang kasiguraduhan ko na hindi matatanggap ni Kario ang mga sasabihin ko. Dapat ko nang asahan na hindi magiging madali ang usapan ngunit `di dapat ako magpatinag. Para din sa kaniya `to. Para `to sa mga panahong ilalaan niya sa sarili niya at sa kasiyahan niya— hindi lang para sa’kin.
Naamoy ko ang lavender scent ng pabango niya, senyales na tuluyan na akong malapit upang marinig niya. Tatlong dipa na lang ang layo ng posisyon ko sa bangkang sinasandalan niya kaya hindi na ako umusad pa. Sapat na sa’king marinig ang isa’t isa sa usapang tatapos sa isang bagay na nais pa niyang isalba.
“Kario….” I called. Hindi siya kumibot o nagpakita ng sign na narinig niya ang sinabi ko. Sa halip ay nanatili lang siya sa posisyon niya. Naninitig sa dagat na tila ayaw tantanan ng kaniyang mga mata.
My heart began pounding. Hinikayat ko ang natitirang katinuan na sana’y manatili, bago pa ako mawala sa sarili.
“Alam kong naririnig mo ako kaya… kaya kahit `di ka mag-react sa mga sasabihin ko, magsasalita pa rin ako.”
I started sinking into the trailing thoughts of our past. Kahit hinayaan kong iwaksi na ng panahon ang lahat ng iniwanan namin, tandang tanda ko pa rin kung paano niya ako niligawan. Malinaw pa rin kung paano siya nagtatalon sa saya nang payagan siya ni Lola upang manligaw sa’kin kahit na dise-sais anyos pa lang ako. We were young back then. Maraming tao ang nagsasabi na hindi pa raw namin alam ang ginagawa namin ngunit wala kaming pakialam. Nakatuon lang ang atensyon namin sa isa’t isa, sa pag-aaral, at hindi sa mga nanghuhusga sa relasyong hindi ko raw dapat pinasok noong una.
Ang totoo niyan, nagkakalabuan na kami bago pa man nangyari ang trahedya. It’s just that, na-realize ko na hindi na rin ako magiging masaya sa kaniya kung magpapatawad ako dahil sa ginawa niya. Nalunod din naman siya dahil pinulikat. Talagang kapwa lang kami maswerte dahil saktong may mga mangingisdang nakakita sa’min at naabutan pa raw akong lumulubog sa kalaliman ng dagat.
“Hindi na kita mahal,” lakas-loob kong sinabi habang nakatuon sa likod ng ulo niya ang tingin. “Dapat mong maintindihan na sa loob ng halos dalawang taong lumipas, nilimot ko na kung anong mga nararamdaman ko.”
Hinintay ko ang sagot niya. Ngunit wala.
“Sana matanggap mo na hindi na mababalik sa dati ang relasyon na mayroon tayo. Matagal na tayong tapos. Matagal na—”
He answered in a low trombone voice, the reason why I stopped.
“Nang gano’n kadali?”
Umiling-iling ako. “Unti-unti na tayong nawawasak noong mga panahong iyon, Kario. Pinipilit lang nating isalba para sa mga pangakong sinabi natin sa isa’t isa pero aminin mo man o hindi, wala ng pag-asa.”
“Walang pag-asa o dahil may mahal ka ng iba?”
“Hindi rin ako mapapamahal sa iba kung nilapitan mo ako sa loob ng dalawang taong lumipas at humingi ng tawad—”
“Hihingi ng tawad?” ulit niya. Sa pagkakataong ito ay umalis na siya sa pagkakasandal sa bangka upang makatayo nang maayos. Tumalikod siya upang harapin ako, hanggang sa magtama ang aming mga mata.
Para akong nawasak nang makita ang pagpungay ng mga ito; kung paano niya pinanatili ang pagiging kalmado ng labi dahil gaya ko, nakikitaan ko na ng bahagyang panginginig.
“Ilang beses akong pumunta sa inyo no’n para lang makahingi ako ng tawad pero tinataboy ako ng lola mo.”
“At sumuko ka?”
“Nakakapagod lumaban, Sam.”
“So nagpahinga ka at umabot ng dalawang taon? Hindi pa pala tayo makakapag-usap kung hindi kami magpapahatid ni Alania rito.”
He took a step forward. Umatras naman ako nang isang beses upang mapanatili ang distansya.
“Nagpahinga ako at naghintay pero hindi ako gaya mo na lumimot at bumaling sa iba.”
“Wala na tayo.”
Tumanggi na naman siya. “Gusto ko pang ilaban.”
“Wala na.”
“Sam, please…”
Hindi ko na kinaya ang disposisyon ko. Nagpasya na akong tumalikod at maglakad pabalik sa kinalulugaran ni Alania. But just as I did that, I felt his sudden embrace from my back. Niyakap niya ako na para bang wala na siyang balak upang pakawalan ako. Mas mahigpit at mainit kaysa sa inaakala ko.
“Mahal pa rin kita… sobra.”
“Kar…”
“Hayaan mo muna akong gawin `to. Hayaan mo muna bago kita pakawalan.”
Nakita ko si Alania sa ilalim ng puno ng niyog kung saan siya tahimik na nanonood sa’min. May kalayuan kaya `di ko makita ang ekspresyon niya ngunit paniguradong naroon ang simpatya niya para kay Kario. Tama ang desisyon niyang pilitin akong tapusin ito dahil higit din akong makikinabang dito.
Hindi lang siya matalino’t maganda.
May puso rin siya.
Ibinaon ni Kario ang kaniyang mukha sa gilid ng leeg ko. His broad arms snaked around my waist like what he always did when everything was fine. Nanunumbalik na lang din ang nakaraan sa akin, lalo na `yong mga panahong halos araw-araw kaming tumambay sa dalampasigan para magkwentuhan. Inaabot pa kami minsan ng dilim dahil sinisiguro naming tapos na ang sunset bago niya ako ihatid sa amin.
Akala ko nga rin ay siya na. Kahit `yong mga ka-edad ko no’n na nakakakita sa’min, kinakantyawan kaming kasal na lang ang kulang. I’ve never seen this coming but I guess, that’s how our fate worked. Pinagtagpo ngunit `di tinadhana. Nagsimula ngunit sa ibang tao magwawakas.
“Hindi kita malilimutan…” bulong niya. Kasabay nito ay naramdaman kong tila nabasa ang parte ng leeg ko kung saan nakabaon ang kaniyang mukha. Saka ko natanto na umiiyak na pala siya— lumuluha na para bang hindi na niya kayang kimkimin ang bigat. “Sana, panaginip lang `to.”
Lumunok ako at yumuko. Nakita ko kung gaano kahigpit ang pagkakalingkis ng mga kamay niya. Sa ilang segundo ay unti-unti na itong lumuwag. Hanggang sa mailayo na niya ang mukha sa akin at kumalas sa mainit niyang yakap.
“Salamat,” dagdag niya sa garalgal na boses bilang pagtatapos. “Salamat sa lahat.”