As hard as I want to be happy for him, I tried so desperate just to hide my disbelief. Wala akong karapatang agawin sa kaniya kung ano ang ikasasaya niya. He needs no one but Alania. He loves no other girl but my bestfriend. Nandito lang ako sa buhay niya upang gawing instrumento—para maging daan ng tuluyan niyang panliligaw kay Alania. Sa bawat ngiti, pagkadismaya ang pilit kong iwinawaksi. Sa bawat salita niya, ninanais kong maglaho na lang sa kinauupuan. Buong akala ko, magagawa ko ring kalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya. Ngayon, hindi ko alam. Para bang ang labo na ng lahat. Nakikita ko ang sariling hindi na magawang mahulog sa iba dahil sa kaniya lang ako nabaliw nang ganito. “Wala siyang pasok tuwing Miyerkules at Sabado kaya wala siya kanina,” sabi ko habang pinaglalaruan sa

