Chapter 2

1286 Words
Andrea's POV Habang nagmamaneho si Simon ng sasakyan namin papuntang mall ay patingin tingin ako sa paligid. Mukhang normal pa ang sitwasyon dito sa labas. Hindi ko alam kung wala pang idea ang mga tao sa nangyayari ngayon sa China o binabalewala pa nila ang balita. HIndi ko pwdeng gawin 'yon. Nakakatakot ang mga napanood ko sa balita para maghintay pa ko na lumala ang sitwasyon bago ako kumilos. Mahalaga sakin ang kaligtasan ng mga anak ko kaya hindi ako pwdeng basta maghintay lang sa mga susunod na mangyayari. "Hon, ayos ka lang? Baka magpasa na 'yang kamay mo." Natatawang sita ni Simon sakin. Ngayon ko lang naramdaman na medyo masakit na nga ang mga kamay ko sa sobrang pagpiga ko. Hindi kasi mawala sa isip ko ang mga napanood kanina. "Oo, hon. Ayos lang ako. Hindi lang kasi mawala sa isip ko 'yong napanood natin kanina." Pag-amin ko. "Ano nga kayang virus 'yon ano? Sobrang bilis ng pagkalat tapos sobrang bilis pang makapatay. Nakakatakot talaga." Halata rin ang pagaalala sa mukha ng asawa ko. "Wala pa bang itinatawag sa inyo ang hospital na pinagtatrabahuhan mo?" Tanong ko. Isang magaling na surgeon itong si Simon at nagtatrabaho sa pinakakilalang hospital sa bansa. "Wala pa Hon eh. It's either hindi pa nairereport ng China ang nangyayaring virus outbreak sa kanila o wala naman talagang dapat ikabahala." Sagot nya pero hindi maitatago ang pagaalala sa mukha nya habang sinasabi nya 'yon. Pagdating namin sa mall una agad naming pinuntahan ang isang medical supply store. Since doktor si Simon ay hindi kami nahirapang bumili ng mga protective gears na pwde naming magamit. Marami rin kaming biniling N95 na face mask para makasigurado. Pagkatapos namin sa medical supply store dumiretso naman kami sa pharmacy para bumili ng stock na mga gamot bago kami nagtungo sa grocery area para mamili ng mga karagdagang ready to eat na pagkain at iba pang stocks. Maging dito sa grocery area mukhang normal pa rin ang sitwasyon. May mamimiling namimili ng maramihan pero mas mukhang paninda ang mga binibili kaysa stock sa bahay. "Hon, bibili pa ba tayo ng mga meat? O puro ready to eat nalang ang bibilhin natin?" Tanong ni Simon habang kumukuha ako ng mga canned food sa stall. "Oo, Hon. Kumuha ka na rin ng mga meat." Nakangiting sagot ko sa kanya bago ipinagpatuloy ang pagkuha ng mga canned goods. Pagkatapos naming bayaran ang mga pinamili namin ay dumiretso na kami sa parking area para sana umuwi ng bigla kong maalala na hindi pala kami nakabili ng mga additional stock for personal hygiene. "Hon, nakalimutan kong kumuha ng mga personal hygiene stuff. Ako nalang ang babalik sa loob para bumili. Hintayin mo nalang ako dito ha. Sandali lang ako." Paalam ko sa kanya bago ulit lumabas ng kotse. Pagdating ko sa grocery area ay dumiretso na ko sa isle for personal hygiene. Since hindi naman ganoon karami ang namimili, dahil na rin siguro maaga pa naman kaya hindi ako nahirapan makarating sa hinahanap ko. Halos patapos na ko nung may marinig akong nagsisigawan. Dali dali kong kinuha ang mga natitirang item na kailangan ko at saka pumunta kung saan nanggaling yong mga ingay. Marami ng taong nagtutumpukan kaya medyo nahirapan pa kong makita kung anong pinaguumpukan nila. After kong makisingit ng ilang ulit ay nakita ko na rin kung ano ang pinagkakagukuluhan ng mga tao. Nakahandusay sa sahig ang isang babaeng foreigner na mukhang hindi na humihinga. Sa itsura nya halatang asian sya pero dahil nakapikit ay hindi gaanong maaninag kung anong lahi talaga sya. Biglang nanglamig ang mga kamay ko at bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya habang mabilis na naglalakad paatras. Ilang nakikiusyoso pa ang nabangga ko bago ako nakalayo. Oh my God! NO! Please! No! Huwag naman sana!" Paulit ulit akong nagdadasal habang naghahanap ng bakanteng cashier lane. Nung makahanap ako ay mabilis kong inilagay sa item desk ang mga pinamili ko habang patingin tingin pa sa paligid. "Miss pakibilisan. I'm sorry nagmamadali kasi ako." Tarantang utos ko sa cashier. Pagkatapos kong magbayad ay nagmamadali na akong makalabas ng mall papunta sa parking area. Hindi nawawala ang malakas na pagkabog ng dibdib ko dahil sa nasaksihan ko. Nakapasok na ba sa bansa 'yong virus? Mangyayari na rin ba dito ang nangyayari sa China ngayon? Huwag naman sana. Pagtapat ko sa bintana ng passenger seat ay malalakas na katok agad ang ginawa ko saka nagmamadaling inilagay sa backseat ang mga pinamili ko nung buksan ni Simon ang mga pintuan ng kotse. Mukhang napaidlip si Simon habang hinihintay akong makabalik kaya hindi kaagad nya napansin na nasa labas na ako ng sasakyan. "May Asian na nagcollapse sa loob ng grocecy area." Tulalang sabi ko. "Ano?!" Gulat na tanong ni Simon. "May Asian na nagcollapse sa loob ng grocery area. Hindi ko alam kung Chinese o hindi.Basta bigla nalang syang bumagsak tapos parang... parang hindi na humihinga." Napatingin ako sa kanya nung marealize ko na kaparehong kapareho nung nangyari dun sa babae sa loob ng mall ang pinakita sa tv kanina. Nakita ko rin ang panglalaki ng mata ni Simon dahil sa sinabi ko. "Oh my God!"Yon lang ang nasabi nya bago nya mabilis na pinaandar ang kotse. --- Pagdating namin sa labas ng bahay ibinaba lang namin lahat ng pinamili namin sa tapat ng pinto tapos umalis din ulit kami agad. Tinawagan ko si Samantha na huwag ipapasok directly ang mga grocery bags. Inutusan ko syang magsuot ng surgical gloves at magdala ng sanitizer para isanitize bawat item na binili namin bago ipasok sa loob ng bahay. Hindi na rin namin sila pinalabas para makasiguro na kung may kumapit mang virus particle sa mga katawan at damit namin ay hindi na matransmit sa kanila. Napagdesisyunan namin ni Simon na pumunta sa kakilala nyang gumagawa at nag-i-install ng mga security screens and doors for business establishment para ipaseal ang buong bahay. Mas makabubuti ng makasigurado kami kasya mapagsisihan pa namin ito sa bandang huli. Habang nasa byahe kami pinagmamasdan namin ang paligid. Tiningnan ko kung may pagbabago ba sa sitwasyon kanina pero mukhang wala pa. Mukhang wala pa silang alam. Sana nga napaparanoid lang kaming magasawa. Sana mali ang inaakala namin. Sana wala lang talaga ang lahat. Dahil hindi kakayanin ng Pilipinas ang ganoong klase ng pagsubok. Tahimik kaming pareho ni Simon pero halata din sa kanya na may malalim na iniisip habang nagmamaneho. Isa syang doktor. Sila dapat ang unang nakakaalam tungkol sa mga ganitong pangyayari pero hanggang ngayon wala pa rin syang natatanggap na balita. Nagkakagulo sa China ngayon pero parang wala man lang urgency na ipaalam sa ibang mga bansa ang nagyayari. Pagkagaling namin sa shop ng kaibigan nya para ibigay ang estilo at disensyo ng mga security windows and doors na gusto naming ipagawa ay dumiretso naman kami sa hospital na pinagtatrabahuhan nya para magpacheck up. Ito ang gusto ni Simon dahil gusto nya raw munang makasiguro kung wala kaming dapat ikabahala. Ayaw nya rin daw uuwi kami sa bahay not knowing kung mailalagay ba namin ang kalusugan ng mga anak namin sa alanganin. Sumunod ako sa gusto nya dahil alam kong sya ang mas nakakaalam ng tama sa mga ganitong klase ng sitwasyon. Isa akong business analyst sa isang sikat na bpo company kaya naman wala akong alam pagdating sa mga health related procedures and protocols. Isa pa, kailangan rin makibalita ni Simon sa hospital na pinagtatrabahuhan nya tungkol sa nangyayari sa China. Kailangan nyang makakuha ng update tungkol sa estado ng virus na kumalat sa bansang 'yon. Malakas naman ang kumpyansa ko na hindi pa kami naiinfect nung virus kung nandito na nga ito sa loob ng bansa dahil wala pa rin naman kaming nararamdaman na kakaiba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD