CHAPTER 5: HIRAYA LUWALHATI

928 Words
Pagpasok niya sa classroom, ang unang tumambad sa kanya ay ang nakakarinding ingay ng mga batang nag-aagawan sa isang bagay. Napansin din niya ang bilang ng mga estudyante sa loob. Sa hula niya'y nasa lagpas limampung bata ang nandoon. Dumako ang mga mata niya sa isang estudyanteng may hawak na game boy. Nakikipagtalo ito sa kaklaseng nais humiram ng laruan. Napatingin siya sa hawak nitong gadget. Ngayon lang siya nakakita ng game boy. Mukhang pangkaskas ng yelo sa laki at de-keypad pa. Ibang iba ang itsura ng teknolohiya sa panahon na ito kumpara sa taong 2022. "Ganyan pala ang itsura niyan. Hindi pa uso ang mga touch screen at wala pang social media sa panahon na ito," aniya sa isip at napasimangot nang malaki. "Anong ginagawang libangan ng mga tao rito? Parang ang boring naman ng era na 'to." "Ano na naman 'yang pinag-aagawan ninyo?!" Sumigaw si Dalisay sa harap ng pinto at nagpameywang. Napatingin ang mga bata sa kanilang guro at sabay-sabay na nagsibalikan sa mga upuan. Animo'y mga dagang nakakita ng pusa. "Hindi ba ang sabi ko'y walang magdadala ng brick game sa klase. Bakit nagdala kayo n'yan? Itatago n'yo 'yan o kukumpiskahin ko?" galit-galitan nitong sabi. Natakot naman sa salitang kumpiska ang estudyanteng may dala ng gadget at nagmadaling itinago iyon sa bag. "Sige na, Aya. Umupo ka na sa upuan mo." Malumanay na itinuro ni Dalisay ang bakanteng upuan na malapit sa bintana. Sumunod si Hiraya na umupo roon. Samantalang si Dalisay ay dumiretso sa harap ng klase para ipagpatuloy ang panenermon. Napansin ni Hiraya ang notebook na nakalapag sa desk ng upuan niya. Binasa niya ang pangalan at information na nakasulat sa tapat ng kuwaderno. Hiraya Luwalhati E. Santiago Grade 6 - Andres Bonifacio 12 years old. 3248 Dula-dulaan Street, Brgy. Kaadlaman. "Hiraya? Kapangalan ko siya... Luwalhati? Kapangalan din siya ni Ate Loti..." Kumunot ang noo niya at napaisip. "Hindi kaya.... Baka kay Aya isinunod ni Lola Dalisay ang mga pangalan namin ni Ate?" At lalo lamang gumulo ang kanyang isipan. Napasapo siya sa ulo. "Possible nga! Kung hindi pa kami ipinapanganak ni Ate Loti sa panahon na 'to, kay Aya nga, isinunod ni Lola Dalisay ang mga pangalan namin. Pero bakit?" Bumalik ang mga mata niya sa harap, kay Dalisay na patuloy pa rin sa pagsasalita pero hindi niya pinapakinggan. "Okay ka na, Aya?" Lumingon siya sa likod nang may kumalabit sa balikat niya. "Okay ka na, Aya? Bakit bigla kang nahimatay?" tanong ng batang babaeng mataba, mapula ang pisngi at naka-pigtail pa ang buhok. Nahulaan agad ni Hiraya na kaibigan ni Aya ang batang babae. "O-Okay na ko. Don't worry." Pilit siyang ngumiti. "Wow, nag-English!" sabat ng batang lalaki na katabi ng batang babae. Nakasuot ito ng makapal na salamin sa mata at may bahid pa ng tuyong sipon sa ilong. "Akala ko ba hindi ka marunong mag-English?" Napahinto si Hiraya at hindi alam ang isasagot sa sinabi ng batang lalaki. "s**t! I'm in the body of some one else. Kailangan ko rin ba gayahin ang gawi ni Aya? Pero hindi ko naman siya kilala at hindi ko kayang umaktong parang bata. Paano ba ito?" "Aya and her company!" Sabay-sabay silang napalingon sa harap nang tawagin sila ni Dalisay. "Hindi kayo nakikinig! Grade 6 na kayo, isang taon na lang, tutungtong na kayo ng high school pero kung umasta kayo parang Grade 1 pa rin." Natahimik sila at napayuko ng ulo. "Ano ba 'yan. Ituturing nila akong bata dahil nasa batang katawan ako. I'm almost an adult. Malapit na ako sa legal age. Ang awkward nito." napagtanto ni Hiraya. "I don't have time for this! Kailangan ko ngayong isipin kung bakit ako napunta rito at paano ako makakabalik sa year 2022. Isip Hiraya! Mag-isip kang mabuti!" Ipinikit niya ang mga mata at nag-focus sa lahat ng mga naganap. Inalala niya ang lahat ng mga nangyari bago siya mag-back-skip sa panahon na ito. Ngunit naudlot ang concentration niya nang may marinig siyang nahulog. Napalingon siya sa kaliwa saka lang niya napansin ang seatmate niya sa kaliwang silya. Nahulog nito ang lapis na Monggol 2 at gumulong sa ilalim ng upuan niya. Yumuko si Hiraya para damputin ang lapis at muling ibinigay iyon sa batang lalaki. "Here," aniya. Tinitigan niya ang mukha ng batang lalaki. Malamlam ang mga matang hindi makatingin ng diretso. Umaabot ang bangs nito sa kilay. Mukha siyang mahiyain at tahimik. Maputi at may katangusan ang ilong. Napakagwapong bata. "Thanks," simpleng sabi na kinuha ng kaliwang kamay ang lapis. May sasabihin pa sana si Hiraya pero naurong ang kaniyang dila nang mapatingin sa kaliwang kamay ng batang lalaki. Halos tumalon ang puso niya sa bibig at maisuka iyon nang makita ang pamilyar na peklat nito sa kaliwang kamay. Pakiwari niya'y bumalik siya sa taong 2022. Ang huli at tanging malinaw na alaala niya sa panahon na iyon ay ang itsura ng patay na kapatid, ang mga mata ng kriminal na sumaksak sa kanya at ang kamay nitong may peklat at dugo. Nagpatuloy lamang ang batang lalaki sa pagdra-drawing sa likod ng kanyang kuwaderno. Hindi na siya pinansin nito at pinagpatuloy lamang ang ginagawa. Ngunit ang paningin niya'y nakatitig pa rin sa kamay nitong may peklat. "Is it coincidence?" tanong niya sa sarili. "No." Napasapo siya sa dibdib at pilit na pinakalma ang mabilis at malakas na kabog ng puso. "Now, it make's sense why I'm here..." Muling bumalik ang mga mata niya sa katabi. "This boy...." Kinilabutan siya mula ulo hanggang paa. "This boy besides me is going to be a murderer and a r****t 22 years from now." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD