CLAIRE POV; Sa sobrang pagmamadali ko hindi ko na nagawang ayusin pa ang sarili ko,ni paghihilamos ay di ko nagawa buti na lang hindi ako makalat matulog, hindi mutain at lalong hindi tulo laway, siguro sa mala pandesal pa ni Nathan maaring tumulo laway ko !?----- What the F*ck Clairea Mae ? anong kahalayan ang tinatanim mo dyan sa malandi mong utak!?, Nasapo ko ang noo ko sa kagagahang namumuo sa isip ko,natauhan nalang ako ng biglang bumukas ang pinto ng Elevator ,napailing naman na lumabas ako at nagtungo sa silid na tinutuluyan ng anak ko. Nakaabang na sa pagdating ko si Kuya Axel,at sa itsura nito mukhang hindi maganda ang mangyayari sakin . “At saan ka Nagpunta?” Seryosong sabi nito na di man lang nag-abala na tapunan ako ng tingin. “Kamusta si Ethan?” Salungat na sagot ko sa t

