Kinabukasan nakaramdam ako ng sama ng pakiramdam kayat agad akong nag chat sa gc ng department namin. Hinde nanaman ako makakapasok nito
"oh? Gising kana pala"
"Ma? Anong ginagawa nyo dito?"
"Eh may kinuha lang ako, teka? Di kaba papasok? Malelate ka ah"
"Masama po pakiramdam ko ma, nagchat naman nako sa gc"
"ahh ganon ba? Nga pala may bisita ka sa baba, lalaki"
Teka? Lalaki? Di kaya si miguel na yun?
Agad akong tumayo sa kama at nag ayos. Excited akong lumabas ng kwarto kahit masama ang pakiramdam ko
"hai therisse"
Teka hinde naman si miguel to ehh
"wait? Pano mo nalamang dito ako naka tira? Kagabi lang tayo nagkakilala alam mo na bahay ko?"
Nakakapagtaka lang na nandito sya ngayon sa harap ko samantalang kagabi lang kami nagkakilala
"ahm therisse pasensya na, eh kasi nag alala ako sayo kagabi kaya sinundan kita hanggang sa maka uwi ka"
"seryoso?"
"oo, eh kasi, parang lutang ka kagabi ehh kaya ayun! Sinundan na kita, ni hinde mo nga napansin na nasa iisang jeep lang tayo"
Ganon naba ako kalutang kagabi para di ko sya mapansin?
"oh anak? May umagahan kana dyan, kumain kana tapos magpahinga kana rin, nandon narin yung gamot mo, inumin mo rin yon ah?"
Bilin ni mama bago ito lumabas ng bahay. Dito sa apartment na tinitirahan ko ngayon. Mag isa nalang ako dahil nga wala na si miguel. Binigyan ko sila mama ng susi para kung sakali, mabubuksan nila itong apartment
" masama ba pakiramdam mo? "
" ah oo. Hinde ko alam. Pero kaya ko naman kaso di nako papasok para tuluyan akong gumaling. Mamaya aalis ako para magpamedical."
"tama! Sasamahan nalang kita"
"ahmm, hinde sa pang aano ah? Thankful naman ako sa pagliligtas mo sakin kagabi pero kasi.. Lam mo yun? Di mo maaalis sakin yung ganto. Di pa kasi kita kilala eh"
"nako! Okey lang.. Sige magpapakilala ako, ako si nathan Abejero, panganay sa magkakapatid tapos gwapo naman minsan cute"
"hahahahhaha ayos ka rin magpakilala talaga ah, wait kain muna ako ah? Kumain kana ba?"
"oo, bago ako pumunta dito kumain nako"
Naging kampante naman ako kay nathan. Sa tagal kong di nakakatawa ng ganito mula ng umalis si miguel, sya lang ang nag pasaya uli sakin. Para bang matagal na kaming magkakilala.
"oh tapos? Anong ginawa mo.?"
"ayun! Ang ginawa ko tinakbuhan ko agad sya. Anong akala nya sakin? Mauutangan nya pa uli.?"
"hahahahah"
Ayos to si nathan ang daming kwento sa buhay.
"eh ikaw therisse? Wala kabang kwento? Eh natapos kana sa pagkain at hanggang ngayon, ako lang nagkukwento eh"
"minsan ba.? Nalungkot ka narin dahil sa isang tao? Dahil.... Umalis na sya sa piling mo?"
"hmm.. Oo, dati, pero! Matagal na yun ehh! Naka move on nako, kung di mo naitatanong, may nagugustuhan nako ngayon"
"ah talaga? Sino? Kilala ko ba?"
"kilalang kilala mo"
"sino?"
"ikaw!"
Nakaramdam ako ng iba mula sa kanya. Sa tagal ng panahon, ngayon lang uli may umamin sa akin. Hinde ko alam pero bakit may nararamdaman akong iba
"ano?, nathan pinag sasabi mo?"
"therisse! Una palang kitang makita gusto na kita, kagabi? Hinde yun yung unang pagkakataon na nakita kita"
"pero? Kagabi lang tayo nagkita"
"oo! Ikaw! Pero ako? Matagal na, masama na kung masama sa paningin ng iba pero, lagi kitang pinag mamasdan sa malayo, may boyfriend kapa non. Sa tagal na ninyo, sumuko nako pero pinag mamasdan parin kita, pero! Hanggang tingin lang ako ahh.. Promise! Maniwala kaman o hinde.. Kagabi lang kita sinundan."
" wow.. Ibig sabihin... Matagal mo nakong gusto? "