Sunod-sunod ang pag hagis ng dart ng isang nilalang sa isang malaking larawan na nakadikit sa wooden wall. Naroon ang picture ng buong angkan ng Lagdameo na ang gaganda pa ng ngiti na akala mo mga walang bahid ng karumihan. Huminga siya ng malalim na lumapit sa larawan na halos butas na butas na dahil sa tagal na niyang bina-bato ng dart. Binunot niya ang mga dart na bumaon sa larawan saka isa-isang titigan ang mga babae ng angkan ng Lagdameo na talaga naman hindi mo matatawaran ng ganda. Ang susuwerte pa dahil binibiyayaan ang mga ito ng magagandang buhay at mga napapangasawa. Ganun din ang mga lalaking Lagdameo and Montenegro. Napakasusuwerte ng angkan ng mga ito na para bang ng mag sabog ng kaguwapuhan at kagandahan ang langit parang sinalo na lahat ng mga ito. Wala sa loob na sinalat

