"Hindi ba siya na papagod?" tanong ni Bryan habang nakasunod kay Alodia dahil pinag bibit siya nito ng bag at ilang folder. Dapat na sa kotse lang siya at nag iintay matapos ang meeting nito pero heto at parang lilibutin na nila ang buong modern city. "Teka nga muna!" hindi na nakatiis na turan ni Bryan na hindi na nakatiis na mag salita lalo na habang parang naglalandian nalang ito at ang foreigner na kausap nito. Napalingon naman si Alodia maging ang foreigner na sumimangot pa na marahil hindi nagustuhan ang tono ng pananalita niya. "Sa pagkaka-alam ko personal driver ang trabaho ko dito na inutos ng Tatay mo. E ano to?" tanong niya sa bag at mga folder na hawak niya. Inis na lumingon naman si Bryan sa dalawang bodyguard na nakasunod sa kanila, inabot niya sa dalawa ang dala niyang ga

