"Balik mo." biglang utos ni Ken ng palabas na sana sila ng driveway ng condo building ni Alodia ng hindi siya mapakali dahil sa tinamaan ng mata kanina na isang bulto na naka sunod kay Alodia kanina. Nakita pa niya itong tumingin sa itaas na numero ng elevator bago ito nagtungo sa fire exit kahit meron naman isa pang bakanteng elevator parang may mali. "Iatras mo." utos pa ni Ken na agad naman sumunod ang tauhan. Iba ang kutob niya, marami na s'yang nakaharap na masasamang tao kaya alam na niya ang galawan ng mga demonyo sa paligid niya. Pag lapit niya sa guard ayaw pa siyang payagan na papasukin ng mga ito. SOP daw talaga ng mga ito na hindi puwedeng pumasok ang hindi tenant ng building or meron abiso galing sa tenant na may pupunta na bisita ang mga ito na papasukin. Na iintindihan nam

