"Don't insist on what you want from me. Do your plan, I won't get involved. I have business that I need to prioritize and fix rather than focusing on you." ani Ken habang kaharap ang isang leader ng sindikato na kinabibilangan niya ang Black Mamba. Ang tunay na ama ang founder ng Black Mamba at dahil nga sa klase ng mundong ginagalawan ng ama pinili nitong itago siya sa buong mundo para maiwasan ang kumplikadong at napanganib na mundo na ginagalawan nito. Noong una hindi niya alam ang trabaho ng ama basta ang alam niya illegal iyon kaya kailangan siya nitong itago.
At kapag meron naka-alam ng tunay niyang identity bilang tunay na anak ni Xenon Domitrovich, automatic ipinapapatay agad-agad ng papa niya kasehoda pa kung sino. Ang tanging nakakaalam lang ng identity niya ay ang kaibigan nitong isang scientist na ama ng stepsister niyang si Kate na pinag laruan na ng mga tao na nasa paligid nito pero mahigpit ang bilin sa kanya ng ama na wag niyang paki-alaman ang buhay ng ibang tao. Mabuhay lang siya ng ligtas iyon lang ang importante. Na aawa siya kay Kate noon pero mas nakaka-awa naman ito kapag pinag-initan ito ng ama niya at baka bigla na lang itong mabura sa mundong ibabaw.
Ilang tao na ba ang namatay nung na bubuhay pa ang ama niya hindi na niya mabilang, may bata, may matanda basta lahat ng makaka-alam ng tungkol sa kanya. Isa siyang faceless heir noon at buong buhay niya nabuhay siyang ibang tao until ng mamatay ang ama niya at tuluyan na siyang iniluklok sa puwestong iniwan nito. Ngunit dahil walang nakakakilala sa kanya marami ang humaharang sa pag-upo niya bilang leader ng pinaka malaking sindikato sa mundo. May ilan na tinanggap ang DNA test niya bilang lehitimong anak ni Xenon Domitrovich at malaki din naman ang hawig niya sa ama kaya madali sa ibang tanggapin siya.
Namatay naman ang ina niya noon ipinapanganak siya pero ang nadidinig niya pinatay ito sadya ng ama niya upang maiwasan daw ang conflict of interest at mawala ang sagabal sa mga plano nito noon. His father is a ruthless devil at tinanggap niya ang katotohanan na iyon pero hindi ibig sabihin nun susundan niya ang yapak nito. Ayaw niyang mabuhay na tulad ng ama niya kaya ang plano niya, unti-unting bitawan ang mga illegal na negosyo ng ama pero magagawa lang niya iyon kapag naka-upo na siya sa trono na iniwan ng papa niya.
Kailangan muna niyang patunayan na karapat dapat siya sa puwestong iyon and he did it ngayon siya na ang faceless king of the thrown na unti-unting binibitawan ang lahat ng illegal na negosyo ng ama. Pero sa bawat panig ng mundo meron itong hinahawakan na maliliit na sindikato na may kanya-kanyang leader. At lahat na ng klase ng illegal na gawin nasa grupo nila kaya hindi niya puwedeng basta-basta bitawan ng sabay-sabay dahil tiyak pag pinag tulungan siya ng mga ito tiyak na ang kamatayan niya kaya kailangan 1 at a time ang pag sugpo niya sa mga ito. Tulad ngayon ng ginagawa niya, bumitaw siya sa isang transaction tungkol sa mga illegal selling ng organ ng tao na ninanakaw lang ng isang grupo ng sindikato na hawak din nila. Ang gusto ng grupo nito protektahan niya ang mga ito na makapuslit ng pasok sa Canda para maitawid ang mga dalang organ na ibebenta.
Madali lang ang ipinagagawa nito isang tawag lang niya makakapasok ito ng simpleng-simple sa naturang bansa para ibenta sa isang hospital ang mga organ na dala ng mga ito. Pero tumangi siya at sinabi niya na wala siyang balak na maki-alam or tumulong pero hindi rin niya pipigilan ang plano ng mga ito.
"Are you going to lose your mind if you don't help us right now? All the vital organs we brought will be wasted." galit na galit na sigaw ng japanese leader na nasa harapan niya.
"Well, you should have told me your plan first before making such a decision, so nothing would be wasted. And don't shout at me, you might be forgetting who you're facing." mariin na banta ni Ken habang kalahati ng mukha niya ay may suot na bakal na maskara at tanging labi lang niya ang nakikita ng kaharap.
"You are such an assh*le! You shouldn't be the one in that chair, hiding behind that mask." galit na wika nito sabay senyas sa mga tauhan nitong nasa likuran. Mabilis naman humarang ang mga tauhan niya na mas marami sa dala nitong mga tauhan, pero ang hindi nila inasahan ay biglang may sumabog sa loob ng bulwagan ng tanggapan niya. Kung hindi siya na hila ni Collin baka kasama siyang sumabog ng trono na kinauupuan niya ng pangalawang pag sabog. Mukhang intensyon na patayin na siya ng mga ito dahil sa pagtangi niya ng pagtulong.
"Tumakbo ka na bilisan mo." utos ni Collin na duguan habang umaalis sa ibabaw niya ng daganan siya nito para protektahan sa naturang pag sabog. May nakabaon sa may balikat niya na isang matigas na bagay na hindi niya alam kung ano kaya hirap na hirap siyang ikilos ang isang braso niya. Hinawakan niya ang kamay ni Collin at pilit itong itinatayo habang naririnig nila ang malalakas na palitan ng putok ng baril.
"Umalis ka na sabi, wag mo akong intindihin hahanapin kita pag labas ko dito. Mauna ka na muna bilisan mo, hindi ako mamatay dito wag kang mag-alala. Ikaw ang hindi puwedeng mamatay kaya alis na bilis." sigaw pa ito kaya napilitan na siyang dumaan sa secret passage palabas ng bulwagan.
Lakad takbo si Ken habang panay ang lingon dahil nakita niyang meron nakasunod sa kanya na mukhang intensyon talagang patayin na siya kailangan niyang makalayo pero sugatan at injured siya kaya nahihirapan siyang makatakbo ng mabilis dahil iniinda niya ang sakit at nanlalabo na ang paningin niya.
"Ano ba naman kasi hindi ko na alam kung nasaan lugar ako, ang sabi mo Malate_____." galit na sigaw ni Alodia sa kausap sa kabilang linya ng phone si Violet na matalik na kaibigan. Ang usapan kasi nila pupunta sila sa isang KTV bar pero nag kamali siya ng baba ng grab. Hindi siya nag dala ng sarili niyang kotse dahil hindi siya bihasa mag maneho sa mataong lugar. At na iilang na din siya sa mga taong nasa tabing kalsada puro mga babaaeng bayaran na halos hubad na hubad na at wala ng itago. Kaya malalaki ang hakbang niya na makalayo roon bago pa siya pag kamalan na p*k-Pok. Naputol ang pag sasalita niya ng isang matigas na kamay ang humila sa braso niya patungo sa isang gilid.
Nagulat siya sa lalaki naka maskara na humila sa kanya na sisigaw na sana siya ng bigla nitong alasin ang suot na maskara kasabay ng paghagis nito ng naturang maskara kung saan bago nito sinapo ang dalawa niyang pisngi saka siya siniil ng halik ng mariin. Galit na itutulak sana niya ito pero natigilan siya sa panunulak rito ng bigla itong umungol at nahawakan niya ang matigas na bagay na nasa may bandang balikat nito patingin niya sa kamay nakita niya na puro dugo ang kamay niya. Kulay pula ang ilaw sa kinapupuwestohan nila pero sure siya na kaya basa ang damit ni Ken ay dahil iyon sa dugo. Napatingin siya sa mga lalaking nag tatabukhan na lumampas sa kanila.
And the next thing happened hinawakan niya sa ulo si Ken at gumanti na sa halik nito pero ibang klase din talaga ang lalaking ito duguan na nagawa pang ipasok ang dila nito sa loob ng bibig niya at may pag-ungol pa talaga at pagpisil sa puwetan niya pero minuto lang bigla na lang itong huminto at tuluyan ng dumagan sa katawan niya bumiti na lang may pader sa likuran niya kaya na alalayan niya ito na wag bumagsak.
"Ano nanaman pinasok mo Alodia." sita niya sa sarili ng ipasok niya sa loob ng taxi si Ken na malakas pa naman ang pulso sa leeg. Kailangan niya itong dalahin sa hospital pero hindi sa lugar na iyon tiyak na pupunta roon ang kung sino man ang nanakit rito dahil malamang alam ng mga itong sugatan si Ken.
"haizt! Kainis." wika pa niya na tumabi na ng upo rito habang bumagsak naman ito ng higa sa hita niya na hinayaan na lang din niya saka inutos sa driver na dalahin sila sa hospital na pag-aari ng pamilya nila na malayo sa lugar na iyon. Hindi naman siguro mamatay ang lalaking ito bago sila dumating sa hospital.