"Hindi mo na kailangan malaman kung sino siya basta wag mo siyang paki-alaman," mariin na wika ni Alodia. "At bakit hindi? Ang pangit ng tingin mo sa akin akala mo laging ako ang may kasalanan kaya ka napapahamak. Yun pala meron kang admirer na gusto kang ihatid sa kabilang buhay." ani Ken na tuloy ang kain. "Basta wag mo siyang paki-alam, gusto kong makita ang hitsura niya. Patingin ako?" tumaas naman ang kilay ni Ken na naptingin kay Alodia. "Hindi mo kilala si Andrea Amador?" "Syempre kilala ko, matagal ko na lang siyang hindi nakikita." iwas na sagot ni Alodia dahil ang totoo never pa n'yang nakilala si Andrea Amador hindi pa niya ito nakikita sa personal pero minsan na niyang narinig ang pangalan nito sa usapan ng mga pamilya nila noon. Walang malinaw na detalye siyang nalaman tu

