"Si Ken po?" tanong ni Alodia ng dalahin na siya ng mga bodyguard niya sa isang suite kasama nila Avery at magulang niya after ng presscon. "Inilayu muna ng mga kuya mo at talaga nag wawala sa galit." iling ni Aira na marahas na bumuga nag hangin na tiningnan pa ang mukha niya na tinamaan ng bote ng mineral water kanina. "Makita ko lang talaga ang Andrea na yan malilintikan talaga siya sa akin." wika ng Mama niya na napabuga ng hangin. "Tawagan mo na ang Kuya Dean mo, sabihin mo iakyat na dito si Ken at baka gumawa pa yun ng gulo sa baba lalo na tayong mag kaproblema." "Sorry po." naka yukong wika ni Alodia napalingon naman si Dennis sa anak. "Bakit ka nag sosorry wala ka naman ginawang kasalanan, mag pahinga kana kami na ang bahalang mag-ayos ng lahat." wika ni Dennis na nag paalam

