"Hindi niyo pa rin ba nakikita si Collin?" galit na tanong ni Ken habang tulak-tulak ng isang tauhan ang wheelchair na kinauupuan niya.
"Nandito na ako." napatingin si Ken sa may hagdan habang pababa si Collin.
"What happened to you?" gulat na tanong ni Ken ng makita si Collin na wala na ang kanan na kamay nito.
"Don't mind me, importante buhay tayo. Sinong tumulong sa'yo paano ka nakarating ng Makati sinong nag dala sa'yo sa hospital?" tanong pa ni Collin.
"Coincidentally, nakita ko sa Novit__Alodia on my way."
"He saw you on your mask." gulat na tanong ni Collin.
"Of course not! I already threw away the mask bago ko siya nakita." pag sisinungaling ni Ken dahil alam na niya ang mangyayari oras na malaman nito na nakita ni Alodia ang mukha niya sa likod ng maskara na suot niya.
"Sigurado ka!"
"Positive at kung malaman man niya ang totoo kong katauhan tingin mo hahayaan kitang patayin siya?" tanong niya rito bumuga naman ng hangin si Collin.
"Tingin mo ba maililigtas mo siya oras na malaman ng konseho. Hindi lahat ng miyembro ng grupong kinabibilangan natin is allowed na makilala ka bilang Kennedy baka na lilimutan mo ang batas na binuo ng ama mo. Makaligtas man siya sa akin pero hindi sa konseho." Hindi naman naka-imik si Ken na nakatingin lang kay Collin.
"Lumayo ka muna sa kanya tulad ng utos ko sa'yo kung gusto mo talaga siyang protektahan. Kapag maayos na ang upo mo at hindi na nangyayari ang lahat ng ito then you can have her all you want walang pipigil sa'yo." napakuyom naman ang kamay si Ken, paano ba siya lalayo kay Alodia ngayon pa nga lang na babaliw na siya sa pag-iisip kung anong ginagawa nito ngayon at kung sino ang kausap nito.
-
-
-
-
-
-
-
-
Tahimik na naka-upo si Alodia sa visitor chair sa hallway ng hospital habang iniintay ang doctor na lumabas mula sa operating room. May 2 oras na rin siyang matiyagang nag-iintay sa paglabas ng doktor na nag opera kay Clark nakakatandang kapatid ng dating nobyo na si Calvin na namatay 2 years ago dahil sa isang insidente na hanggang ngayon hindi pa rin niya nalilimutan at patuloy pa rin niya sinisisi ang sarili sa nangyari. Kung hindi sana niya kinulit si Calvin noon na mag-out of town sila buhay pa siguro ito hanggang ngayon at nakakalakad pa sana ang Kuya nito.
Meron kasing isang pangyayaring nasaksihan si Calvin noon habang nag momountain climbing sila kasama ng Kuya nito pero naligaw sila ni Calvin sa kakakulit niya rito at napahiwalay sila sa kapatid nito. Nang huhuli siya ng tutubi nun ng biglang nawala sa tabi niya si Calvin pero agad din niya itong natanaw at lalapitan na sana niya ito ng bigla itong tumakbo na mabilis na hinagip ang kamay niya saka mabilis silang tumakbo. Nakaramdam siya ng takot ng paglingon niya nakita niya ang 4 na lalaking humahabol sa kanila. And the next thing happened basta na lang siyang nahulog sa isang malalim na butas at nawalan ng malay pag gising niya nasa hospital na siya at may cast ang braso at binti niya.
Agad niyang hinanap si Calvin at nalaman nga niya na patay na ito at nahulog din tulad niya pero sa alala niya mag-isa lang siyang nahulog sa butas na iyon. Kung hindi pa niya nakita si Calvin noon na nakahiga sa loob ng sarili nitong ataol hindi siya maniniwala sa sinabi ng pamilya niya. Hindi alam ng mga ito na may nobyo na siya tumakas lang talaga siya ng araw na iyon nag kunwari siya na may field trip sila pero ang totoo hindi siya sumama sa fieldtrip at niyaya ang nobyo na mag mountain climbing.
Nagalit sa kanya ang buong pamilya ni Calvin at siya ang sisi ng mga ito, dahil pati si Clark nasaktan din pala nabali ang spinal cord nito sa kagustuhan na mailigtas daw silang dalawa. At ngayon hindi na ito nakakalakad gusto niyang sabihin noon ang tungkol sa 4 na lalaking humahabol sa kanila kaya sila na hulog sa butas pero wala talaga siyang maalala pulido sa nangyari. Galit na galit sa kanya ang magulang niya noon dahil sa ginawa niyang pag sisinungaling kaya mula noon meron na siyang bodyguard na kasama sa tuwing papasok siya.
Gabi-gabi naging laman ng panaginip niya ang insidenteng iyon at hindi iilang beses na napaparanoid siya na parang pakiramdam niya may humahabol sa kanya at gusto siyang patayin. Sinabi niya iyon sa magulang niya pero inakala ng mga ito epekto lang iyon ng insidente kaya gusto ng mga ito na ipa psychiatrist siya pero ayaw niya. Hindi naman siya baliw kaya sinarili na lang niya ang mga nararamdaman niya hanggang sa hindi na siya nakakatulog sa kakaisip at ayaw na nyang lumabas. Umabot pa sa punto na nagtangka na siyang mag pakamatay kung hindi lang siya na abutan ng Daddy at Ate Abby niya na pinuntahan siya sa condo niya.
Mula noon hindi na siya pinayagan na bumukod ng bahay bantay sarado na siya ng buong pamilya niya. Ngayon na lang ulit siya pinayagan na bumukod pag lipas ng 4 na taon pero hanggang ngayon na iisip pa rin niya si Calvin, dahil na rin sa kuya nito na wala ng ginawa kundi ipaalala sa kanya na namatay si Calvin dahil sa kanya at nasira na ang buhay nito dahil sa kanya. Ginawa naman niya ang lahat para supportahan si Clark ng lingid sa kaalaman ng pamilya niya. Siya na ang bumubuhay sa pamilya ni Calvin since hindi na makakapag trabaho si Clark at wala na itong kakayanan na mag trabaho. Lagi na lang itong nakakulong sa bahay ng mga ito ganun din ang ama nitong na stroke naman dahil sa nangyari sa mga anak nito habang ang ina naman ni Calvin ay mag-isang nag tatrabaho bilang isang accounting staff sa isang maliit na kumpanya na anytime soon kailangan na din na mag resign.
Na ngako naman si kay Clark na pag dumating ang panahon na kung hindi na talaga ito makakalakad willing siyang pakasalan ito pero umayaw ito dahil makakalakad daw ito at kapag nangyari daw iyon siya daw ang unang-unang patatalsikin nito sa buhay ng mga ito dahil kinasusuklaman daw siya nito. Nasira daw ang buong pamilya nito dahil sa kanya which is tinanggap naman niya dahil totoo. Kaya ginawa na lang niya ang lahat para makalakad ulit si Clark sinagot niya ang lahat ng medication at therapy niya hanggang sa mga operation nito para muli itong makalakad.
"Dok." mabilis na napatayo si Alodia ng makita na lumabas na ang doctor, saglit silang nag-usap nito tungkol kay Clark at tinapat na siya nito na mukhang wala na talagang pag-asa na maka lakad pa si Clark. Kaya naman tahimik na lang siyang napa-upo ulit at nag-isip kung ano ba ang mabuti niyang gawin. Yayain na kaya niya ito sa ibang bansa baka sakaling doon may pag-asa pa itong makalad.
"You looked more beautiful and sexier kapag nakatikom ang bibig mo." wika ni Ken ng tabihan siya nito sa upuan na hindi niya namalayan. Inis naman niya itong iniwan pero mabilis itong sumunod sa kanya at pinigilan siya sa braso na pilit naman niyang binawi.
"Ano bang gusto mo sisigaw ako kapag hindi mo ako binitawan."
"Go ahead Nobita, scream all you want but let me tell you one thing I will shut your mouth using mine." wika pa ni Ken na yumuko para idikit ang labi sa tenga nito sabay bulong.
"Go ahead scream Nobita." hamon pa ni Ken na ngumisi.
"Hindi mo alam kung gaano ko na na mimiss ang mga labing yan." wika pa ni Ken na tumingin pa sa labi ni Alodia na sinalat pa ng thumb finger na mabilis na tinabig ni Alodia.
"Tigilan mo na ako, may boyfriend na ako at magpapakasal na kami."
"Alam ba ng boyfriend mo na naisuko mo na sa akin ang dapat isang magandang regalo _________," malakas naman na sinampal ni Alodia si Ken na tumawa pa na sinapo ang pisngi kesa indahin ang malakas na sampal niya.
"Wag mong subukan na gamitin sa akin na pang blackmail kung anong nangayari ng gabing iyon dahil ang gabing yun ang pinaka masamang panaginip na nangyari sa akin at kung puwede lang na ibalik ang_______." napalunok naman si Alodia ng biglang sapuhin ni Ken ang dalawang pisngi niya gamit ang isang kamay nito saka siya isinaldal sa pader.
"Read my lips Alodia Montenegro Lagdameo, tandaan mo ang pag mumukhang ito at ang mga matang yan." tukoy nito sa mga mata niya.
"Ako lang dapat ang nakikita niyan, ngayon kung mag mamatigas ka baka sabay-sabay na iburol ang pamilya Hidalgo. Wag mo akong pilitin hindi mo alam ang kaya kong gawin." banta ni Ken hindi naman naka-imik si Alodia na napatingin lang kay Kennedy.
"Ngayon kung matapang ka mag sumbong ka sa pamilya mo, diba bigatin ang pamilya mo. Walang may gustong bumangga sa angkan mo bakit di ka magsumbong para malaman nilang lahat kung paano ka nasarapan sa kama kasama ako." ngisi pa ni Ken nag pupuyos naman sa galit si Alodia na nakatingin rito pero wala siyang maapuhap na sasabihin. Tumawa si Ken na mabilis siyang hinalikan sa labi pero pag layo nito mabilis niyang pinunasan ang mga labi na tinawanan nito na lumayo na.
"Kailangan kong umalis hindi muna tayo magkakita Nobita pero tandaan mo meron akong matang nakabantay sa'yo. Kaya tandaan mo isang bala sa bawat ulo ng mga taong tinutulungan mo ngayon. Akin ka lang tandaan mo yan, kamatayan lang ang maaring maging dahilan para paglayuin tayo." wika pa ni Ken na hinila siya sa batok para sana halikan pero mabilis siyang naka-iwas at mabilis na kinagat ito sa earlobe nito tumigil lang siya ng malasahan na niya ang dugo.
Napalayo naman si Ken na sapo ang tenga na kinagat niya pero imbis na magalit mas natuwa pa ito dahil nadugo ang tenga nito na parang baliw. Na nakatingin sa kamay nitong may dugo galing sa tenga nito.
"You mark me as yours, very clever Nobita. I'm already yours." ngisi pa nito.