Ipinilig ni Alodia ang ulo, nakakaramdam pa rin siya ng hilo dahil sa pag kakapukpok na handle ng patalim ng ama ni Xeth sa ulo niya. Umangat ang kamay at sinalat niya ang itaas ng noo, pag tingin niya sa kamay meron iyon ng bahid ng dugo. Malakas ang loob niya kanina na hindi siya nito agad papatayin dahil dahil kay Xeth. Alam niyang ginagamit lang siya nito para lang hawakan muli sa leeg ang anak nito pero hindi siya papayag, hindi niya hahayaan na mahawahan nito ng kasamaan ang asawa niya. "Gising ka na." wika ng isang babae na papalapit sa kanya. Kumunot ang noo ni Alodia na nag salubong pa ang kilay. "Emma." gulat na usal ni Alodia. "Yes! Tama ka ako nga si Emma pero hindi ako ang Emma na kilala mo." huminga ito ng malalim na lumapit sa bag at may kinuha itong isang baril na malii

