Habang akyat ng hagdan pasimpol-sipol pa si Andrea na pinatutunog ang kuko sa railing ng hagdan na nakangiti. Ang tagal niyang muling inintay ang araw na ito sa wakas maitutuloy na niya ang plano. Panandalian siyang nanahimik ng mabalitaan na nakabalik na si Alodia at nakita na ito ng pamilya nito pero wala ito sa tamang wisyo. Kaya nawalan siya ng gana na ituloy ang mga plano, hindi niya gustong patayin ito habang gusto na nitong mamatay. Napakawalang kuwentang pumatay ng ganun, gusto niya kung papatayin niya ito yung panahon na lumalaban ito sa hamon ng buhay. Kung mag s-struggle ka habang nanalangin ka na sana mabuhay ka pa at wag mamatay. Hinayaan na muna niya itong ipagamot ng pamilya nito at kapag nakita na niyang okay na ulit ito saka na ulit niya pag tatangkain na patayin si Alodi

