Episode 93- Save by fate

1509 Words

Halos hindi na maimulat ni Clark ang isang mata at duguan na ang mukha nito habang nakatali sa upuan pero nagagawa pa rin nitong tumawa na parang nakakaloko. "Kala mo ba kahit mapatay mo ako may mababago pa?" umiling si Clark habang naka ngisi na tumingin kay Ken. "Hu-huntingin ka ng organization at papatay*n ka nila dahil sa ginawa mo at inuna ko na si Collin na ngayon malamang na liligaw na ang kaluluwa nun sa ______." muling sinunod-sunod ni Ken ng suntok si Clark hanggang sa sumuka na ito ng dugo. "Titiyakin kong sa impiyerno ka babagsak na hayop ka." sinabunutan ni Ken si Clark para tapusin na ito ng tuluyan ng mag salita ito na halos pabulong na lang. "Anong sinabi mo?" "Ang ama mo ang kumidnap kay Alodia nung bata pa siya, sa kagustuhan niyang makuha ang kayamanan ng mga Lagda

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD