"Ipaliwanag mo sakin kung ano ang nangyayari sayo, Malia," seryosong ani ng kanyang Lola Margarita pagkatapos nitong ilapag sa harapan niya ang isang baso ng maligamgam na tubig. Marahan niya iyong dinampot at nilagok. Matapos uminom, napayuko siya at hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng lola niya. "Malia!" May kataasan ang boses nitong tawag sa kanya. Napalunok siya para mawala ang bikig sa kanyang lalamunan bago dahan-dahang nag-angat ng tingin. "L—lola..." Hindi ito sumagot at mataman lang siyang tinitigan habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Humugot siya ng hangin bago nagpatuloy. "L—lola... B—buntis po ako," pagtatapat niya. Umawang ang labi ng matanda sa gulat. Ilang minuto pa ang lumipas bago ito nakabawi at nagsalita. "A—anong sabi mo?" "Buntis po ako. Sorr

