ARKISHA "Hopefully next week makapag-schedule na tayo ng photoshoot with Ms. Avalyn Ford?" tanong ko sa marketing team na ngayon ay mga nakangiti. Magla-launch kasi ang VS Internationale ng lingerie line dito sa Pilipinas para sa nalalapit na summer, at walang ibang magandang kunin na modelo para rito kundi ang Filipina ramp model nila na si Avalyn Ford. Lahat ng details para sa photoshoot ay naiayos na, kailangan na lang ang schedule ni Ms. Ava at ang venue ng shoot. "I have a meeting with her assistant later Ms. Arki," sagot ni Claire na head ng department. Marahan akong tumango at isinara na ang folder na hawak, magsasalita pa sana ako para itanong kung kamusta ang sales ng Fashion Talk Magazine last month nang lumapit si Anya na nasa mukha ang pag-aalala. Kumunot ang noo kong nak

