DAKILA Nang pumasok sa banyo si Arkisha ay hindi ko alam kung papasok ako o magpapalipas ng gabi sa labas kahit sobrang lamig. Nang marinig ko ang pagbukas niya ng shower ay isinara ko ang pinto at nagdesisyon na bumili ng makakain niya. Nang madaanan ko ang receptionist ay napamulagat ako nang mamula siyang bigla at inipit ang buhok sa tenga, nakakagat-labi siyang tumingin sa'kin kaya napatikhim ako at lumabas na ng bahay-panuluyan. Pinagana ko ang motor at nag-ikot para humanap ng bukas pang kainan, nakita kong bukas pa ang 'Belle's Food Hub' kaya doon ako pumunta. Pagpasok ko ay biglang kumalam ang sikmura ko nang maamoy ang pamilyar na amoy ng Pinikpikan ng sikat na kainan na ito. "Gawis ay labi Dok Aki!" Napalingon ako sa matandang babaeng may-ari ng kainan na ito, siya rin ang

