Gusto kong masaktan sa pang-aakusa niya, pero wala akong karapatan dahil kahit sinong niloko at nasaktan ay iyon ang iisipin. Lumakad ako palapit sa kaniya ngunit napatigil ako nang mas lalong lumamig ang mga mata niya, ramdam ko sa mga tingin niya na nakasentro ang galit niya sa akin ngayon. Biglang sumakit ang tiyan ko na parang naninigas. Pinilit kong itago ang nararamdaman kong kirot sa tiyan at puson ko, kailangan kong makahingi ng tawad bago man lang ako umalis sa lugar na ito. Lugar na pakiramdam ko hindi ko na mababalikan dahil sa mga nangyayari ngayon. Napalunok ako nang tumayo siya at hinarap ako. Lumapit pa akong muli pero pinatigil niya ako. "Don't," maiksi at malamig niyang saad. "Aki please listen to me first. Alam kong hindi ka maniniwala sa'ki-" He chuckled and bob h

