ARKISHA "Congratulations Arki!" Sinalubong ako ng yakap ng mga kuya ko paglabas namin ng event hall ng Preston. Today is our Commencement Day at masaya kaming magkakaibigan na nakakuha ng c*m Laude award. Hindi ko na inasahan pa na makakuha ng high honors dahil na rin sa tagal kong nawala, pero laking tuwa ko nang makita sa listahan ang pangalan ko, pati na ang mga kaibigan ko. Nalungkot lang kami dahil kung nandito lang si Eve ay paniguradong kasama namin siyang umakyat ng stage. I wonder how she is right now, is she staying with Dakila? The thought made my heart churn. Kumain kami sa isang exclusive restaurant na Sassy Kitchen. Ipinasara ni Daddy ang buong lugar para kami lang pati na ang pamilya nina Cleo at Gen na ininvite ni Mommy. Gusto sana nila ng malaking party para sa gradu

