Saya's POV, Hindi ko pa namulat ang mga mata ko naramdaman ko ka agad ang pananakit ng katawan ko at pagkalam ng sikmura ko. Dumilat ako at puting kwarto ang tumambad sa akin. Nasa TDR ako, amoy palang alam ko na. Doon bumalik sa alaala ko ang nangyari. Kaagad na kumuyom ang kamao ko dahil sa galit. Maling desisyon na binuhay niyo pa ako mga hangal. Binalaan ko na kayo na oras na paglabas ko sa ware house na iyon at buhay pa ako makakaranas kayo ng matinding paghihirap na sa kamay ko palang ninyo mararanasan. Humanda kayo. Makikita niyo ang totoong kulay ko. Hindi niyo pa ako lubusang kilala kapag galit. Babangon sana ako kaso naramdaman ko na may nakahawak sa kamay ko. Tiningnan ko ito at napangiti ako ka agad. It's Grey. Pinakatitigan ko ang mukha niya. Mahimbing ito na natutulog,

