Nakatapos na sila ng kolehiyo, may kanya kanya nang trabaho ang bawat isa, Nagsumikap si JC para makapag ipon, Gusto niyang makapagpropose na siya kay Jah, ayaw na niyang patagalin pa dahil alam niyang duon din ang tungo ng relasyon nila.
Isang engineer si Jc, kaya mabilis siyang nakapag ipon. Bumili muna siya ng lupa sa isang sikat na subdivision unti unti niyang pinatayuan ng pangarap nilang bahay. Inilihim niya ito kay Jah.
Ngunit hindi alam ni Jah na may isang tao na sa kabila ng masaya nilang pagsasama ng kanyang boyfriend ay lihim itong naiinggit.
Lumalim ang pagmamahal ni Jah sa kanyang boyfriend dahil na din sa ipinakikita nitong pagmamahal pag aalaga at katapatan sa kanya. Mas lalo niya itong minahal.
Graduate si Jamaica Santiago bilang isang nurse nag tatrabaho siya sa isang private hospital kasama ang kanyang kaibigan na si Mina.
"Jah tara na lunch break na gutom na ko"aya ni Mina kay Jah.
"mauna kana iniintay ko pa si JC"tanggi ni Jah,
Hindi niya mawari kung sumama ba ang loob ni Mina dahil sa pagtanggi niya,
"anu ba yan si JC nanaman nag intay ako dito hindi ka naman pala sasama, dyan kana nga,"inis na saad ni Mina nagmartsa na patalikod si Mina iniwan siya nito, sinundan nalang niya ng tingin ang kaibigan umalis.
"Ms. Jah yung prinsipe mo nandun na sa lobby nakita ko kausap ni nurse Mina"sabi ng baklang nurse,
Nagtaka naman siya bakit hindi siya tinawagan agad ni JC eh dati bago pa pumasok ng parking lot iyon ay tatawag ito upang ipaalam na naroon na siya,
Hindi muna siya lumabas inintay muna niya ang tawag ni JC, pero nakakalimang minuto na ay wala pa ring itong text o tawag man lang,
Idinial niya ang number nito
"hello! hon"ani ya ng sagutin nito ang tawag.
"yes hon"anito sa kabilang linya.
"nasan ka na ba hindi ba may usapan tayo"inis na tanung ni Jah.
"hon pasensya kana nagkaroon ng emergency meeting"paliwanag nito dinig niya nag pag lagok ng laway nito.
"bakit may nakakita sayo dito sa lobby kausap mo si mina."nagtaka si Jah pero hindi naman siguro nagkakamali si Nurse Renz.
"ah eh baka naman napagkamalan lang na ako yun"paliwanag nito.
"ewan ko sige na, sana nag sabi ka manlang ng hindi ako nag intay..
May narinig siyang boses ng isang babae sa kabilang linya, hindi siya maaaring mag kamali boses ng kaibigan niya iyon.Kinutuban siya, dahil sa ilang taon na silang magkasintahan ngayon lang ito pumalya sa kanilang usapan isa pa iba ang pakiramdam niya sa tema ng pag sasalita ni JC. parang may itinatago ito.
"hon sinu yun" hindi niya mapigilang mag tanung.
"sino?"ani ni jc.
"yung babaeng nagsalita tinawag ang pangalan mo parang boses ni Mina,"paliwanag ni Jah.
"ah eh iyon ba yun yung secretary tina tinatawag na ko mag sisimula na daw ang meeting"hindi malaman ni JC ang sasabihin.
Ibang kaba ang bumalot sa puso ni Jah, ng araw na iyon hindi siya makapag concentrate sa trabaho, hindi narin bumalik pa si Mina sa ospital mula ng mag break ito kaninang tanghali.
Nasalubong niya si Nurse Renz sa lobby ng hospital, hindi siya mapakali kaya kinausap niya ito.
"Hi! nurse Renz"bati niya dito
"ay bruha kala ko hindi kana babalik, sabi ko panaman kay Doc. Miel, sinundo ka ng jowa mo baka kako nagpaalam ka na hindi kana babalik"dirediretsong saad ng bakla.
"ha eh hindi naman ako sinundo ni Jc. May emergency meeting daw sila."lalong lumakas ang kaba ni Jah.
"eh sino yung nakita ko kanina kakambal ng jowa mo kausap ni Mina. Mukang seryoso pa nga pinag uusapan, kita ko sa mukha ng jowa mo na tense eh"malanding saad ng baklang nurse.
Hindi nakakibo si Jamaica walang siyang maisip na dahilan, sa tagal ng kanilang relasyon ngayon lang nangyari na hindi siya sinipot nito.
"hindi naman siguro mag sisinungaling si nurse Renz"bulong ng isip niya na nakatingin dito.
"heyy nurse Jah natulala kana dyan may problema ba"saad ni Nurse Renz nag snap pa ito ng daliri ng nagpabalik sa kanya sa reyalidad.
"ah eh wala sige na may isa pa kong pasyente na ichecheck,"iniwan na niya si Nurse Renz sinundan lang siya nito ng tingin.
Lutang ang utak ni Jamaica ng araw na iyon hindi siya makapag isip ng maayos.
Seven ng gabi ang out niya, Nagtext si JC sa kanya na nasa labas na ito, iniintay siya. Huminga siya ng malalim bago lumabas ng ospital. Iniisip niya kung kakausapin ba niya si JC o ipagsasawalang bahala nalang ang nalaman. Ayaw niya kasi ng magkaroon pa sila ng hindi pag kakaunawaan.
Nakita niya ito na nakasandal sa kanyang kotse.At hawak ang phone. Hindi siya napansin na nakalapit na siya dito kita niya ang pangalan ng katext nito si Mina, Kumabog ang dibdib niya.
"hi! bati niya kita niya ang gulat nito sa mukha mabilis na ibinulsa ang phone
"oh bat gulat na gulat ka naman dyan sino ba yang ka chat mo at siryosong siryoso ka"usisa niya.
"ah eh wala chineck ko lang kung may message ako"hindi magkadatuto na sagot ni Jc. Humalik ito sa kanya, binuksan nito ang pinto ng kotse para kay Jamaica,
Hindi na nagsalita pa si Jah, nakatuon lang ang mga mata nito sa daan na kanilang tinatahak.
Abot naman ang sulyap dito ni JC, ramdam ni Jamaica na may problema si Jc. hindi naman niya ito matanong. Umisip siya ng ibang pwede nilang pag usapan para mawala ang alalahanin.
"hon"basag ni Jah katahimikan.
"yes honey"sulyap ni JC sa kanya muli itong tumingin sa daan.
"eh hindi pa ko nakakapag thank you sayo ng ikaw ang mag asikaso ng pasurprise birthday ko kay mina, sorry ha night ship kasi ako nun. pati tuloy ikaw naabala ko.Hindi mo manlang naikuwento sakin kung anu ba nangyari."nagulat si Jan ng bigla itong mag preno montik na siya masubsob buti at nakaseat belt siya.
"hon. anu ba,"gulat na saad ni Jah.
"sorry honey may bigla kasing dumaan na pusa."saad ni Jc na hindi alam ang sasabihin.
Ramdam ni Jah na may nangyayaring hindi niya malaman, dahil mag mula ng makalipas ang kaarawan nang kanyang kaibigan ay naging mailap na ang kanyang kasintahan hindi na ito madalas maglagi sa kanilang bording house ng kanyang kaibigan lalo na kung wala siya.
Muli nitong ihininto ang kotse.
" hon may problema ba"sita ni Jah ng lumingon ito sa kanya.
Hinawakan ni Jc ang kamay ng kasintahan dinala iyon sa kanyang mga labi.
"hon! mahal na mahal kita alam mo yan. kung anu man ang mangyari ikaw parin ang mamahalin ko habang buhay."ani ni Jc. muli nitong hinarap ang manubela at nagpatuloy. Hindi na kumibo pa si Jamaica ngunit kinabahan siya. Naguguluhan siya sa nangyayari. Tahimik na nagpatuloy sa pag mamaneho si JC. walang imik na ibinaling ni Jah ang paningin sa labas ng sasakyan. Hanggang makarating sila sa inuupahan niyang boarding house,
"hon baba kaba"tanung niya habang tinatanggal ang seatbelt
"hindi na hon, pagod ako maraming ginagawa sa office gusto ko nang magpahinga"saad ni JC
"sige mag iingat ka"humalik siya dito bago bumaba ng kotse nito,
Sinundan lang niya ang papalayong sasakyan ng nobyo bago pumasok sa gate ng kanilang Boarding house.
Inabutan niyang nanunuod ng TV si Mina sa may sala.
"oh best bakit hindi kana bumalik sa hospital kanina lunch break"tanung niya dito ng makapasok siya sa loob ng boarding house.
"Sumama kasi pakiramdam ko kaya tumawag nalang ako para makapagpaalam"sagot ni Mina na hindi lumingon sa kanya natuon lang ang paningin nito sa pinanunuod,
"Kumain kana ba"tanung niya dito.
"kanina pa nag luto ako ng adobo nandyan sa mesa kumain kana"sagot nito.
Nagtungo na sa kusina si Jamaica, kumain siyang mag isa pagkatapos ay nilinis muna niya ang pinagkainan bago nag tungo sa sariling kwarto at naligo.
Maganda ang boarding house nilang nakuha ni Mina isa bahay ito na may dalawang kwarto silang dalawa lang ang umuupa dito, kaya malaya silang nakakakilos sa bahay na iyon.