MATAGAL ako napatitig kay Euros. He gazed at me with so much hope through his eyes. Kung sana hindi niya ako pinaglaruan dati, hindi naman kami aabot sa ganito. Nang dahil sa ginawa niya ay nawala na ang pagmamahal ko. Iniwas ko yung tingin ko. Umiling ako at mapakla na tumawa. "Hindi na kita mahal, Euros," I said. Bumibigat nanaman ang dibdib ko at nilayo ko na siya sa akin. Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa. "Siguro kung dati ay ganiyan ka ay magtatalon ako sa tuwa. Pero iba na ngayon at si Eros na ang mahal ko." "That asshole has a wife," he stated. Alam ko naman iyon. Sa tingin ba nila hindi naglandas sa isipan ko iyon bago ko patulan si Eros? "Kapag ako pipiliin mo ngayon ay hindi ka na magkakaroon ng problema na ganito." Napalunok

