Ginalaw ko yung mga daliri ko at dinilat na yung mata ko. Ang puti na kisame ang unang bumungad sa akin. Napansin ko na may nakahawak sa kamay ko. Medyo sumasakit ang ulo ko pero hindi katulad dati na sobrang sakit. "Baby?" Tiningnan ko si Eros na mukhang pagod na. Naalala ko nanaman ang nangyari sa opisina ni Euros. I brought my hands on his cheeks. Hindi niya deserve ang lahat na ito. Naging mabuting tao naman si Eros para tanggapin ang ganito. Sadyang makasarili lang si Euros at gusto niya na sa kaniya lang pala ang CMA. Parehas na kami pagod hanggang sa napatingin ako sa tiyan ko. Naalala ko yung dugo na dumadaloy sa binti ko. "Y-Yung anak natin?" I asked. "Baby... you need to get rest. Masyado ka ng stress sa mga nangyayari," he replied. "Our baby is safe. Malakas daw kapit ni ba

