MAGANDA ang gising ko nang dahil sa nangyari kagabi. Para akong nasa magandang panaginip kahapon. Euros kissed me. Hindi man siya umamin sa akin pero nararamdaman ko na may gusto na siya sa akin. Ganunpaman, ipagpapatuloy pa rin namin ni Eros yung pagpapanggap namin dalawa. Syempre hindi pa totally umaamin ang isang Euros Primo Cohen. Kailangan umamin muna siya bago ko putulin ang ugnayan namin ni Eros. He was calling me non-stop last night. After we shared a wonderful kiss, he take me home. Hindi ko na nagawa magpaalam kay Eros. Nagbuhol-buhol na kasi yung utak ko sa nangyari. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na hinalikan na ako ni Euros. Ang sarap sa pakiramdam. Maiitindihan naman ni Eros kung iniwan ko siya sa Victory Party niya. That's his night and I have my own night with

