MONDAY nanaman kaya papunta na ako ngayon sa WHU. Tumunog nanaman yung phone ko at napanguso ako nung makatanggap ako ng message mula kay Eros imbes na kay Euros. Masyado bang busy ngayon si Euros? Namiss ko tuloy siya kaya nga maaga nanaman ako pumasok baka sakali na makita ko ulit siya sa canteen. Hindi ko muna pinansin ang message saakin ni Eros. Puro pambobola lang naman natatanggap ko sakaniya. Masyadong halata na manglandi ng babae, e. Mabuti nalang ang tipo ko ay mga katulad ni Euros. Maganda pa ang future ko sakaniya baka sakali na magkatuluyan kami. Pero sana nga. Sana maging kami dalawa sa future. Hininto na ng driver ko sa main gate ng campus. Bumaba na ako at sinukbit ko yung bag ko sa balikat. Diretsyo na kaagad ako sa canteen dahil masyado pang maaga at pwede pa ako mag ad

