TINULAK ko siya at mabilis na kinuha ang bag ko. Lumabas na ako at hindi ko na magawang lingunin. Grabe kabog ng dibdib ko kanina! Pakiramdam ko ang haba ng tinakbo ko. Nag-iinit pa rin ang pisnge ko sa nangyayari. Nagulo na ang isipan ko na may nabangga ako na tao. May malaking braso na sumalo saakin at pag-angat ng tingin ko ay si Euros 'yon. "I've been looking for you, preciosa," he said. I blinked. Sobrang lapit ng mukha namin dalawa. Sobrang seryoso ng mga titig niya tipong hinihigop ang kaluluwa mo sa nangyayari. Nang bumalik sa reyalidad ang isipan ko ay umayos na ako ng tuwid at bahagya na lumayo ng kaunti sakaniya. "Sorry... Galing ako sa restroom kanina." He smiled. "It's fine. I'm already famished. Where do you want to eat?" "Sisig house tayo?" I suggested. "Great. Doon na

