Habang nasa showroom ako wala sa ginagawa ang isipan ko nasa kay Troy, and dali niyang nag commit sa gusto kung mangyari at hindi ko rin naisip na magkagusto siya sa akin.a Alam ko hindi ako pangit pero hindi ako naniniwala na maganda ako kaya pagnaisip ko yan nakikiliti ako. "Ems pwede ba ako magtanong?" "Oo naman Anna ,ano ba yun?" "Ano ba tingin mo sa akin physically, meron ba magkagusto sa akin na lalaki?" "Janet halika nga dito meron tanong si Anna sa atin daliiii..." "Ano yun Anna?" "Ano daw sa tingin natin sa kanya physically meron ba daw lalaki na magkagusto sa kanya?" Nagkatinginan ang dalawa at bigla na lang tumawa ng matindi at nasa tyan pa nila pareho ang mga kamay nilang dalawa "Anna yan ba talaga ang tanong mo? naiiba ka din sa lahat. Ang ibang babae kahit hindi mag

