"Lyndon have you heard the news?" tila galit na wika ng kanyang Ina. "What is it Mom? Bakit parang galit kayo?" tanong ni Lyndon sa Ina. "Shallow is getting married, and do you know whom? Si Hanz Saavedra lang naman." tila nanggagalaiti na wika ng kanyang ina. "No! This can't be Mom!" galit niyang sabi. "Then do something son, papatalo kaba sa Saavedra na iyon? At ito pa nalaman kong kasal na sila sa Maynila, at may mga anak na sila!" "W-what? Are you sure about your information Mommy?" tila hindi kumbinsidong tanong nito sa Ina. "Of course! I have my own sources Lyndon. Gawin mo ang lahat para hindi matuloy ang kasal ng dalawa. Dahil hindi ako papayag na may isang Saavedra na naman ang mananalo ngayon, tandaan mo sila ang dahilan kung bakit ka nawalan ng Ama." galit na wika ng Ina

