"MITCH hindi ka pwedeng tumigil! Hindi ka pwedeng umayaw. May usapan na tayo at dapat ay tumupad ka!" galit na wika ni Brent "No! Enough cous, ayaw ko na. Itigil na natin ang kahibangang ito!" Umiling si Brent, hindi siya papayag ! "You have too. Dahil kung hindi pareho tayong sasabit dito!" "Cous, please ayaw ko na. At saka wala sa usapan nating papatayin mo si Lance! Mahal ko siya, at mas gugustuhin ko na lang na mapunta siya kay Astrid at makita ko siyang masaya!" umiiyak na sabi ni Mitch. "May kasunduan tayo! Hindi mo na makikita si Tita. Alam mo kung anong kaya kong gawin! Huwag mo akong subukan Mitch!" hindi nakaimik si Mitch, ilang buwan na niyang hindi nakikita ang ina. Hindi rin niya matawagan ito. Ang huling pagkikita nila ay noong hinatid niya ito patungong airport dahil

