SHALLOW's POV : SOBRANG hiya ang nararamdaman ko, mabuti na lang at hindi bumaba yung man in black na iyon, dahil malamang sa malamang wala akong mukhang ihaharap dito. "Bakit naman po kayo mambabato ma'am? Diyos ko mabuti na lang pala at nakita ka namin kaagad, dahil kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa inyo, ma'am buntis po kayo baka nakakalimutan niyo po kami po ang mananagot kay Congressman kapag may mangyaring masama po sa inyo!" "Pasensya na kayo, tama ka Rhoda, nagpadalus- dalos ako. Hindi ko man lang naisip ang kalagayan ko. Dahil sa kapraningan ko kung anu-ano nalang ang naiisip ko." "Ma'am sa susunod po na may gusto kayong batuhin tawagin niyo ako, akong bahalang makipag-away para sayo ma'am." natawa naman ako sa sinabi nito, kahit papaano medyo nabawasan ang nararamd

