DAY'S, week's, and months passes by tuluyan nang naghilom ang sugat ni Shallow na dala ng kanyang panganganak. Naging busy rin si Hanz dahil sa bagong negosyo ng pamilya Saavedra, minsan din ay hindi na ito umuuwi ng kanilang bahay dahil sa layo ng Bulacan. Tulad ngayon, matiyagang naghihintay si Shallow sa pagdating ng asawa, kanina pa niya ito tinatawagan pero hindi niya ito makontak. Makailang beses pa niya itong tinawagan pero wala parin. Nag-aalala narin siya dahil hindi naman dating ganito ang asawa, kahit sobrang busy niya sa trabaho ay nagagawa parin niya itong tawagan at itext. "Iha, mukhang balisa ka diyan? Magpahinga kana dahil alam kong pagod karin maghapon." sabi naman ni Yaya Sabel sa kanya. "Ya, kasi si Hanz po hindi ko makontak. Nag-aalala narin ako Ya, hindi naman si

