"Ano bang pumasok isip mo hah? Gumawa kapa talaga ng eksena. Nakakahiya ka Lance! Para kang bata!" hindi malaman ni Astrid kung anong pumasok sa kukote nito, at nagawa nitong manggulo. "Babe naman! All I thought you're going to marry that bastard!" nagtawanan ang lahat. Hindi mawari ni Lance kung maiinis ba siya dahil pinagkaisahan siya ng lahat o matutuwa dahil hindi naman pala ikakasal si Astrid kay Mikael. "Yan, puro ka hinala, hindi ka man lang nagtatanong! Yan ang mahirap sayong lalake ka, dinadaan lahat sa init ng ulo!" naiiling na lang si Astrid, at iniwan niya itong nakaupo na parang bata. Bagsak ang balikat ni Lance na tumayo. "Lang hiya kayo! Pinagkaisahan niyo ako! Ikaw Nick! Naturingang best friend ko, niloko ako! Whoaw! Hands up! Nice acting guys!" "Pare naman, dapat sa

