KINAUMAGAHAN nagising si Shallow dahil sa ingay na kanyang naririnig, may mga nag-uusap, nagtatawanan at parang mga kumakain dahil sa naririnig niyang huni ng mga kumbyertos. Pilit niyang iminumulat ang kanyang mga mata pero nahihirapan siya, pilit niyang iginagalaw ang kanyang katawan pero wala siyang maramdaman tila namamanhid parin ang buo niyang katawan. Umungol naman ito dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. "Hmmm .." tanging ungol niya na pumukaw sa atensyon ng lahat at kaagad na nagsilapitan ang lahat sa kanya.Inisa-isa niya ang lahat ng nasa kanyang harapan. Nakangiting mukha ni Carmela, Skye, Maximus at Lucas ang bumungad sa kanya. Sa kabilang side naman ang napakagandang mukha ng Tita Astrid niya Tito Lance niya ang kanyang nakita. Hindi siya makapaniwala na nandito silang

